Showing posts with label Rants. Show all posts
Showing posts with label Rants. Show all posts

Thursday, May 21

Swine Flu at Hayden Kho



Nakakatawa talaga ang mga Pilipino.

Nagbabasa ako ng Manila Bulletin kanina. Headline read: "DOH Confirms First RP Swine Flu Case." Isang 10 year old female daw ang nadapuan ng kinatatakutang swine flu, at nagsilbing unang kumpirmadong kaso ng Influenza A(H1N1) dito sa Pilipinas.

Katabi ng balitang ito sa layout ng front page ng diyaryo ay ang balitang "PMA to probe Dr. Kho for unethical conduct."

Ang nakakatawa dito ay ang balita ng swine flu na dapat mas ikabahala ng mga tao ay binigyan lamang ng isang column sa pahayagan na ito samantalang ang balita tungkol sa pagpaparusa kay Hayden ay tumuloy hanggang sa page 6 column 4.

Gusto ko sanang ikumpara ang paragraph at word count ng 2 balita para maipakita talaga ang difference nila in numbers. Pero kumusta naman, wala man lang ang headline ng diyaryo sa kanilang website! At, as expected, nandun ang article tungkol kay Hayden!

Sa Swine Flu article, hindi man lang nilagay kung tiga-saan ang batang nagkasakit para magkaroon ng awareness ang mga malapit dito. Samantalang sa Hayden article, kulang na lang ay may freebie na DVD ng scandal niya sa diyaryo.

Kumusta naman.

Dahil sa masyadong na-sensationalize itong issue ni Hayden, meron na ding joke na kumakalat kasabay ng pagputok ng balitang may swine flu na sa Pilipinas:

"Meron nang swine flu sa Pilipinas. Ang unang biktima ay si... Katrina Halili! Sabi niya, 'binaboy ako!' (I was swined!)"

Nakakatawa di ba?

Mas mahalaga talaga ang chismis para sa mga Pilipino kaysa sa kalusugan. Kaya pala ganun na lang ang pagpapahalaga na ibinibigay gobyerno sa kalusugan ng mga mamamayan dahil wala ding pakialam ang mga tao dito. To think na sa major daily ito nabasa at hindi sa tabloid lang.

I have two things to say.

1. Mga Pilipino, umayos nga kayo!

2. Hayden, #!@$%%$^#!

Tuesday, April 28

Malaking Balakid



Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking balakid sa mga pangarap ko sa buhay - ang mga charts ko. Ang nasa picture ay kalahati lang ng mga chart na nasa akin ngayon. Naisipan kasi yata ni Ma'am Jo na mag-house cleaning sa Records Section at nakita niyang nagkalat ang mga chart ko. So ayan, binigay na niya sa akin. Balik tayo sa usapan, kalahati lang iyan. Ang kalahati pa ay sa isang consultant lamang.

Patay.

Abangan ang susunod na kabanata.

Monday, April 27

PSN Singing Duets!


Haay! Eto nga't katatapos lang ng singing duets na ginanap sa Linden Suites, ng Thomasian Nephrologists.

Naimbitahan me, si Tintin (pronounce teen-teen in high pitch voice), at si andrew.

Partner partner kami sa nephro consultants. Contest ito na walang ibang criteria kungdi audience impact. hehe.

Nauna kami ni dra andres with our version of trying hard na "The Prayer" na naging flop. hehe.

Tapos si andrew and dra chato francisco, na kumanta ng karaoke version ng "Bakit Ngayon Ka Lang".

Tapos nag-solo si Tintin ng "Ikaw". Actually, kasama niya sa stage si Dr. Ortiz pero hindi kasi namin siya marining kaya nagmistulang soloista si Tintin. Pero pinakamalakas ang kanilang audience impact.

In short, nanalo sila. hehe.

Pero yang picture na yan, wala lang. Eh kasi may photographer na nakatiwangwang dun na ayaw kaming kunan ng picture kahit medyo nagpaparamdam at nagpaparinig na kami eh. Kaya kumuha na lang kami ng sarili namin pic.

Ang prize pala (namin) : Starbucks gift certs! Weeee!

Tuesday, April 7

LEVELER


Wala nang iba pang mas mahirap na pasyente ang isang duktor kungdi ang kapwa niya duktor.

At wala na sigurong mas magiging brat pa sa attitude kungdi ang kapwa mo ring duktor, na ini-expect mo na nakakaintindi sana ng katoxican mo sa buhay... but no, kelangan sila ang atupagin kahit ang problema lang nila ay hindi nag-m-match yung kulay ng punda ng unan nila (kelangang blue kung blue din ang bed sheet!) samantalang yung mga ibang pasyente na malapit sa kanya ay naghihingalo na with matching hysterical relatives.

At alam mo ba yung feeling na ginagawa mo naman yung best mo para dun sa pasyente, kasama ng mga bossing mong consultant, pero mag-m-magaling pa rin yung pasyente mong duktor kasi sa States eh ito ang ginagawa?

Kaya tuloy, deep inside, parang gusto mo nang laging ma-out of vein yung IV line niya para lang for just that moment eh masaktan mo siya sa pagtusok ng karayom?

Naranasan nyo na ba ito? Ha?

Well, ako, hindi pa. hehe.

Sunday, April 5

Wanted: Quality Health Care


Nakakabadtrip.

Umuwi ako kahapon ng probinsya dahil birthday ni Daddy. Mag-isa lang ako sa bahay buong maghapon kaya naubos ang oras ko kakasagot ng quiz sa Facebook at manood ng ilang episodes ng 5th season ng House.

Alas-sais ng hapon noong tumawag sa cellphone si Daddy at sinabing sinugod sa ospital ang aking lola at walang kasama si lola kundi ang mga pinsan kong bata. Dali-dali akong pumunta sa ospital.

Pagdating ko sa "ER" ng ospital, nakita ko si lola na nakaupo sa wheelchair at may nakakabit nang swero. Tinanong ko kung ano ang nangyari at sa kwento ng mga pinsan ko, mukhang si lola ay may hypertensive urgency. Dumating daw siya na 200/100 ang BP. Sumusuka si lola noong nadatanan ko siya. Noong tinanong ko ang naka-duty na doctor kung ano na ang ginawa, ang sinabi niya sa akin ay binigyan niya ng Catapres 75. ANO BA?!

Nagcheck kaagad ako kung nagi-stroke na si lola. Wala namang deficits. Naghahanap ako ng gamot doon sa ER pero wala. E bakit pa tinawag na ER?! Wala ding ECG! Haaayyy. Wala daw kwarto sa ospital na yun kaya lumipat pa kami ng ibang ospital - na wala ding maayos na emergency room. Dumiretso kami sa kwarto!!! Gusto kong atakihin sa puso.

Mabilis na ang heart rate ni lola, maaaring dahil sa dehydration dahil sa dami niyang nasuka o baka naman inatake na siya sa puso at meron na siyang acute AF. Wala pa ding nangyari. Nagrequest ako na ma-ECG si lola. Nagulat pa ang doktor na nakaduty na nagpapa-ECG ako. Noong dumating ang ECG ay umabot ng isang taon bago naikabit. AF ang lola ko at complete right bundle branch block. Dahil walang gamot sa ospital na yun, pinilit kong makuha ang Metoprolol na gamot ni lola at mag-hydrate. Maya-maya ay bumagal na din ang heart rate niya. Bumaba na din ang BP niya.

Hindi ko na ikukuwento ang iba dahil nakakainis lang talaga. At the back of my mind, sobrang nalungkot ako sa nakita ko. Nagro-rotate kami sa "Charity" division ng UST hospital, kung saan luma na ang mga gamit at ang mga pasyente ay mahirap. Pero sa charity, meron pa ding gamit. Meron pa ding gamot. Hindi ko matanggap na sa probinsya na 1 oras lamang mula sa Maynila, walang gamot at walang aparato sa mga ospital.

Nakakaawa ang mga probinsyano na hindi mataas ang pinag-aralan na iisip na ganito lamang talaga ang nangyayari pag dinala ang isang kritikal na pasyente sa ospital. Nakakalungkot makita na napakababa ng kalidad ng gamutan sa mga probinsya. Hindi ko na maimagine kung paano pa sa mga lugar na walang doktor.

At hindi naglalaan ang gobyerno ng sapat na pondo para sa health care. Kawawa naman si Juan dela Cruz.

Si lola ngayon ay mas stable. Dadalin ko na lang siya sa UST.

Monday, March 16

Wala na si Tinsley



Nakakaiyak.

Bukod sa kadahilanang ang Harrison's ko ang isa sa mga una kong nabilli sa aking maliit na sinusweldo, madami dami na din akong na-highlight sa Volume 2 ng aking textbook. Hindi ako sanay na nagha-highlight ng libro dahil tingin ko dumudumi ito pag may highlight, pero dahil sa kailangan kong mapili kung alin ang importante para mas madali na pag nagreview ako para sa PCP exams, napilitan akong mag-highlight.

At yun ang hindi mababayaran.

Ayoko pang mamaalam. Umaasa pa din ako na mayroon lamang namali ng pagkuha at maisasauli pa ito sa akin.

*******

Sino si Tinsley?
 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008