Showing posts with label Buhay MROD. Show all posts
Showing posts with label Buhay MROD. Show all posts

Monday, August 24

Toilet Wisdom


Dati may nabasa akong article na "biochemically" inclined daw ang isang tao na kumanta habang nasa loob ng banyo. Bata pa ako noong nabasa ko yun. Parang tinawanan ko lang yata yun at hindi nagbother na maghanap ng peer-reviewed, double-blind RCTs o mga meta-analysis.

Pero siguro nga may something magical tungkol sa banyo kaya napapa-isip ka nang matatalinghagang bagay. Parang kanina. Nakalimutan ko ang pagdagundong ng dibdib ko dahil sa nalalpit kong bitay, aka endo grandrounds, noong nakapagmuni-muni ako habang naliligo.

Kamakailan lang kasi nakita ko sa Facebook ang isa kong classmate noong pre-school and early gradeschool ako. At hindi ko na siya nakita ever since. Literally, hindi ko siya nakilala noong tinitingnan ko ang profile picture niya. Kung hindi lang talaga ako familiar sa name niya (at hindi common ang name niya) hindi ko iisipin na kilala ko siya. Pero noong in-accept na niya ko at tiningnan ko ang iba niyang pictures saka lang ako na-convince na siya nga iyon.

Mayroon siyang mga wedding pictures doon sa album niya. Wow! Ang ganda talaga. Big time yung photog niya. Pagkatapos kong tingnan yung mga picture niya, napansin ko yung mga profile picture at mga pangalan ng mga ka-FB ko. Ang daming may second name na. And almost all of them, picture ng baby nila yung profile pic.


Lub dub. Lub dub.


Ang tanda ko na pala talaga.


Splash. Splash.


People around me are engaged, married and have kids.


Lub du-dup. Lub du-dup.


Nag-congestive heart failure ako noong naalala ko na 6:00 am na at grandrounds ako. Pero yun nga yung distinct about my morning and my every morning for that matter. While I am busy trying to remember the slides I will present later (or pag run down ng CVU patients sa utak ko isa-isa on any other day) other people are busy doing the "non-doctor" things.

Habang ang status ko ay "getting ready for my grandrounds" sila ay "treats her kid to this dessert," or "does not want to go to work today," or "has changed her relationship status and is now engaged." Tapos na yung period na debut ang ina-attendan. Kasalan at binyagan na ang "in" ngayon among my friends. (Sana matagal pa bago yung burol na ang new form of reunion.)

Iba nga siguro pag nag-doktor ka. Sabi nga ni Cory Aquino, pag naging presidente ka, "you must be prepared to live simply." Pero siguro pag doktor ka dahil di mo alam kung pano maging presidente, you must be prepared to leave your life as you knew it. Hindi maga-apply ang norms ng society, as if may toggle switch ang social life mo at na-switch off na siya til further orders.

Hay.

Pero siguro puyat lang ako, and maybe I am spending too much time on FB. (O, hindi ka guilty sa latter? Ha? Ha?)

Ubos na ang tubig sa timba sa CCU. This is it pancit. Grandrounds na. Rounds mamaya.

Sunday, August 16

Ups and Downs


Let’s face it.

Mahirap talaga maging isang MROD. Para maging isang MROD, kailangan mong maging hobby ang mga sumusunod:

  1. Magbasa.
  2. Magrounds (at magrounds).
  3. Magsulat sa chart.
  4. Magturo.
  5. Magpuyat.
  6. Mag-grandrounds (at mag-grandrounds ulit).
  7. Magintra-op.
Kailangan ding mahilig kang kumain at matulog. Kasi yun ang ginagawa ng isang MROD kapag hindi niya ginagawa ang alinman sa mga nabanggit sa taas.

Pero merong mga perks ang pagiging MROD. Personally, ang mga sumusunod ang masasayang bagay na nae-enjoy ko sa pagiging MROD.

  1. RTDs. One after the other. Salamat sa pagiging efficient ni Apol, busog na busog kaming lahat (pwera na lang si Jeff nitong mga nakaraang lingo). Dahil sa dalas nang pagpapakain sa amin ni Apol, naging totoo ang kasabihang “A well fed MROD is a better MROD.” Napatunayan ito noong nagka-flu halos lahat ng MROD noong sinimulan ang unspeakable “Biggest Loser.” Conclusion: Bawal magutom ang isang MROD.

  2. Freebies. Of course, kasama ng mga RTD ang mga freebies. Ang mga favorite kong freebie includes the blue payong na galing noong PCP, ang malalaking bag, ang mga mas maliit na kaunti sa malalaking bag, a thermos bottle, milyung milyong mga ballpen (literally, malaki na ang natipid ko dahil sa mga halos araw araw kong naiwawalang mga ballpen), laptop screen cleaner. Panalo!

  3. Veer away naman tayo sa mga med reps. Isa sa mga paborito kong ginagawa ay ang magsulat sa bagong POS. Oo yun nga. Iba ang feeling ng napuno mo na yung isang POS tapos io-open mo na yung nakafold na POS sa taas para sulatan. Aah. Ang saya. Weird na kung weird, pero sabi ko nga sa taas, dapat hobby mo ang magsulat sa POS. Kaya siguro na-enjoy ko ang TR. Kasi lahat ng sinusulatan ko doon ay bagong POS! Woohoo!

  4. Mag-intubate. Don’t get me wrong – ayoko nang may iniintubate, dahil sa bukod sa magiging toxic ka pagkatapos (o kaya yung CCU officer) ay halos automatic na gagawa ka na ng consult form para sa Pulmo referral pagkatapos. Pero masaya kasi yung feeling pag nakapag-intubate ka. Kung noong clerk o intern ka, masaya ka after ng isang successful insertion, lalo na yung mahirap insertan, ganun ang feeling after mag-intubate. I know my limitations, at talagang minsan kailangan ng help from our anes friends, pero as much as possible, gusto kong mag-intubate (KUNG kinanakailangan lang).

  5. Mag-ambulance conduction. Siguro swerte lang ako na hindi toxic ang mga ambulance conduction ko, pero masarap mag conduct! Okay lang sa akin kahit malayo ang biyahe. Okay nga lang din kung ako ang nag-conduction kay Father from Aparri! Maraming reasons bakit ko na-enjoy ito. Una, wala ka sa hospital (yon ang the best!). Pangalawa, ang saya na hindi nag-aapply sayo ang traffic rules and regulations! Pwede ka magswerve, counterflow, beat the red light, hindi magbayad sa toll gate nang hindi ka huhulihin! Pangatlo, masaya mag-travel! Kahit hindi ka nakakapag sight-seeing, masaya na din ang road trip! Pang-apat, okay kasama ang mga ambulance driver at mga NOD pag malayuan ang biyahe tapos may food allowance! Too bad, first year lang ang may schedule.

  6. Parang nauubusan na yata ako ng mga bagay na nae-enjoy sa pagiging MROD ah. Wala na akong maisip. Ahh…

  7. Co-MRODs. Masaya magtrabaho kahit mahirap basta okay ang kasama mo. Napag-usapan namin ng isang dating MROD din ito. Pag-fellowship daw kasi, hindi na parang noong residency na talagang may friendship. If meron man, hindi kasing lalim noong dati. Hindi ko kayang i-verify yung statement niya kasi hindi pa ako fellow, pero I realized na totoo nga. Sama-sama sa boljak at ginhawa.

  8. Respect. Last na siguro ito. Kasi kapag nagpupunta kami sa mga convention na kasama ang ibang hospital, sinasabi ko “Ang hirap! Ayoko na yata! Lipat na lang ako ng ibang hospital!” Ang sinasabi nila palagi ay “wag, okay diyan. Di namin kaya diyan e, pero ikaw nandiyan ka na, tapusin mo yan.” Naala ko ang sinabi sa amin ng isang RTO noong umpisa pa lang naming noong first year kami – “you will be trained to be one of the best internists in the country.” At mukhang totoo nga. Iba ang UST MROD. Naks!

Totoo, mahirap talaga ang maging MROD. Pero naisip ko, mahirap talaga maging isang doctor, kahit ano pang field of specialty. Maraming sacrifice, pero at the end of the day, pag na-appreciate ng pasyente at ng family ng pasyente yung effort mo sa pagkatoxic mo, bawi bawi na.

Kaya sa nagbabasa nito na gusting mag-pre-res, game, sali na! Hahaha

Sunday, July 26

TypeTees


While surfing the net, I came across this:



Panalo! My kind of motto. And I'm sure pati ng ibang mga MROD diyan. Sayang, wala nang available size.

Saturday, July 11

Aheenee


Ang mga sumusunod ay hango sa KwentongDuktor.com.

"Uhm... doctor, could you, like, check up on me? I think I have aheenee virus."

(insert cricket sound here)

For a moment, talagang napatulala ako dun. Pero na-gets ko naman kaagad na ang tinutukoy ng pasyente kong konyotic ay ang AH1N1 virus na sadya namang kumakalat na sa buong Pilipinas.

20 araw na ang nakalilipas ng sabihin ni Dr. Duque na may 10-taong gulang na bata na galing US ang nag-positibo sa virus. Mula sa bansang nagmamayabang na "We're still A H1N1 free"... in a matter of ilang araw lang, isa na tayo sa top 3 sa Asia na may pinakamaraming natalang kaso ng H1N1.

Sa ngayon, kahit hindi ka nangibambansa, pwede ka na rin maging H1N1 suspect.
Kung meron kang ganitong sintomas:
• Fever - Lagnat
• Headache - Masakit ang ulo
• Fatigue - Panghihina
• Muscle or joint pains - Pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan
• Lack of appetite - Pagkawala ng gana
• Runny nose - Sipon
• Sore throat - Sakit ng lalamunan
• Cough - Ubo
eh magpa-check up ka na at baka nga aheenee na 'yan.

Ang mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga taong may AH1N1 ay:
Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
Alabang, Muntinlupa, Metro Manila
Tel No. 809-7599

San Lazaro Hospital
Quiricada St., Sta. Cruz, Manila
Tel. No. (02) 732-3776 to 78

Lung Center of the Philippines
Quezon Avenue, Quezon CIty
Tel. No. (02) 924-6101 / 924-0707

At dahil sa ospital ako naglalagi, siempre mataas ang chance na ma-expose kami sa virus. Actually, sa ngayon, umiinom ako ng oseltamivir bilang prophylaxis na syang gamot para sa influenza, kabilang na ang H1N1. (Walang H1N1 sa ospital namin as of now). Kasama din sa gear ko ang N95 mask na kapag sinuot mo, ay parang hindi ka na rin makahinga. N95 masks lang ang katangi-tanging masks na magbibigay sa iyo ng proteksiyon laban sa H1N1. (At kung hindi masyadong kaaya-aya ang mukha mo, nakakatulong rin ito sa ikagaganda ng environment.)

Kilalang tao na nagka-H1N1 : Regine Velasquez at yung isang dorky guy sa Harry Potter movie.

So para lang siyang ordinaryong sipon. Na may potensyal na pumatay, lalo na kung mahina ang resistensya mo o kung meron kang sakit sa baga. Eh ganun naman din talaga ang ordinaryong sipon.

Gayunpaman, mas maganda kung ingatan na lang ang ating pangangatawan (Mula sa DOH):
- Cover your nose and mouth when coughing and sneezing - pero wag sa point na hindi ka na makahinga. May hangganan lang din ang lahat.

- Always wash hands with soap and water - Mas maganda yung may superior skin germ protection na ini-endorso ng PAMET

- Use alcohol- based hand sanitizers - sa ospital, ginagamit namin ay Sterilium. Na sadya rin pumapatay sa MRSA, fungus, tuberculosis, AIDS virus, Hepatitis-B, Hepatitis C, Rotavirus, Adenovirus, Papovavirus. Pero ipis hindi nya kayang patayin.

- Avoid close contact with sick people - Siempre! Sino ba may gusto nun?

- Increase your body's resistance - Kumain ng isang mansanas sa isang araw. Wala lang, para makatulong sa ekonomiya ng agrikultura ng mansanas sa bansa.

- Have at least 8 hours of sleep - Ay talo na ako dito.

- Be physically active

- Manage your stress - Ahem! Mag-pray!

- Drink plenty of fluids - tubig at fruit juices ha! Wag alcoholic.

- Eat nutritious food - Sabi ni nanay, masustansya ang malunggay.
Para sa karagdagang kaalaman: Click ka dito.

Monday, May 25

Unleashed


Tama. Parang nakawala sa kural ang mga MROD.




Kumusta naman.





Kailangan talagang gumamit ng mga pictures because words can only say so much.

Saturday, May 9

MRODs Conquer 39th Annual PCP



The UST MRODs conquered the recently concluded 39th Annual PCP Convention. Kahit na hindi namin napanood ang actual na laban ni Pacquiao nung Sunday na yun dahil sa aming oath taking, (at napanood naman namin sa iPhone dahil may libreng wi-fi sa SMX) panalo naman ang mga MROD dahil sa mga hinakot na mga awards.

Dahil na din sa kabibuhan, hindi nagpauna ang mga MROD sa mga sagala. Talaga ngang Flores de Mayo na. At siyempre, hindi papatalo ang Reyna Elena namin, kala niya Ibong Adarna siya.



Nauna na ang Oral Paper Presentation nila Meg ant Roland noong first day. Sila ang nag-uwi ng third prize. Kinabukasan naman ang Amazing RES kung saan nanalo ng First place sila Pong at Chandy. During the last day naman, nanalo si Chandy and John at Earl and Reagan sa Poster presentation. Of course, andiyan ang pagkapanalo ng 3rd place sa 15th PCP-Pfizer Medical Quiz Show nila Pam, Marvin, Pat and Ome.





Pagkatapos noon ay humataw naman sa Music 21 ang mga kulang-na-kulang-sa-gimik na mga MROD. Noteworthy ang pagsama ni Patrick sa gimik na ito. Kitang-kita niyo ang smile niya! The smile na launched a million neurons!



Hindi na lang ako magko-comment sa song choices ni Sam Sunarso - which includes: Reflection (Mulan OST) [The Mushu Version ang kinanta niya], My Favorite Things (Julie Andrews), Immortality (Celine Dion), Sukiyaki (4 PM), Yesterday Once More (The Carpenters) [na hinahanap niya under the title "Every Shalala-lala"] at iba pang ayaw ko nang maalala. Mind you, nahihiya pa siya noong una kumanta.



Julie Andros from Rommel Romano on Vimeo.


I simply remember my favorite things... at hindi kasama dun ang rendition ni Samuel.

Sabi nga nila, kung meron sigurong overall champion nung 39th Annual PCP Convention, siguro kami na yun. Tatabunan namin yung lahat ng tarp sa mint n munch ng isang higanteng tarp namin! Hahahaha!

Congratulations, MRODs!

Wednesday, April 29

Despedida


Si Apol, Andrew, Jollibee, Ma'am Jo, ako at Jeff pati si Ma'am A.

Ngayon daw ang huling araw ni Ma'am Jo sa Records Section CD. Iba na daw ang post niya effective May 1, 2009. At aalis siyang may utang akong apatnapung charts. Dahil diyan, dinala ko sa kanya si Jollibee at ang pangmeryenda.

Tinanong ko siya kung mami-miss niya ko. Hehe. Sabi niya, hindi. Huuu... kunwari ka pa Ma'am Jo, naiiyak ka pa kanina nung nagpa-picture kami. Hehe. Tears of Joy siguro.

Sana maubos ko na ang charts ko at ma-clear na ko sa Records section.

Tuesday, April 28

Malaking Balakid



Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking balakid sa mga pangarap ko sa buhay - ang mga charts ko. Ang nasa picture ay kalahati lang ng mga chart na nasa akin ngayon. Naisipan kasi yata ni Ma'am Jo na mag-house cleaning sa Records Section at nakita niyang nagkalat ang mga chart ko. So ayan, binigay na niya sa akin. Balik tayo sa usapan, kalahati lang iyan. Ang kalahati pa ay sa isang consultant lamang.

Patay.

Abangan ang susunod na kabanata.

Monday, April 27

PSN Singing Duets!


Haay! Eto nga't katatapos lang ng singing duets na ginanap sa Linden Suites, ng Thomasian Nephrologists.

Naimbitahan me, si Tintin (pronounce teen-teen in high pitch voice), at si andrew.

Partner partner kami sa nephro consultants. Contest ito na walang ibang criteria kungdi audience impact. hehe.

Nauna kami ni dra andres with our version of trying hard na "The Prayer" na naging flop. hehe.

Tapos si andrew and dra chato francisco, na kumanta ng karaoke version ng "Bakit Ngayon Ka Lang".

Tapos nag-solo si Tintin ng "Ikaw". Actually, kasama niya sa stage si Dr. Ortiz pero hindi kasi namin siya marining kaya nagmistulang soloista si Tintin. Pero pinakamalakas ang kanilang audience impact.

In short, nanalo sila. hehe.

Pero yang picture na yan, wala lang. Eh kasi may photographer na nakatiwangwang dun na ayaw kaming kunan ng picture kahit medyo nagpaparamdam at nagpaparinig na kami eh. Kaya kumuha na lang kami ng sarili namin pic.

Ang prize pala (namin) : Starbucks gift certs! Weeee!

Saturday, April 25

Itouch, Facebook at Quiz Show


Kasalanan ng itouch kung bakit second place lang tayo. Nag enjoy si Patrick sa paglalaro sa mga ilang sandali bago magquiz show. Nagumpisa lamang na gusto niya makita kung ano ang Facebook at kung bakit pati mga consultant namin ay kasali na dito.
Nagkataon na kasama rin namin ang isa pang addict sa itouch. Tap of War ang nilalaro nila. Sa susunod na laban walang itouch.

Tuesday, April 7

LEVELER


Wala nang iba pang mas mahirap na pasyente ang isang duktor kungdi ang kapwa niya duktor.

At wala na sigurong mas magiging brat pa sa attitude kungdi ang kapwa mo ring duktor, na ini-expect mo na nakakaintindi sana ng katoxican mo sa buhay... but no, kelangan sila ang atupagin kahit ang problema lang nila ay hindi nag-m-match yung kulay ng punda ng unan nila (kelangang blue kung blue din ang bed sheet!) samantalang yung mga ibang pasyente na malapit sa kanya ay naghihingalo na with matching hysterical relatives.

At alam mo ba yung feeling na ginagawa mo naman yung best mo para dun sa pasyente, kasama ng mga bossing mong consultant, pero mag-m-magaling pa rin yung pasyente mong duktor kasi sa States eh ito ang ginagawa?

Kaya tuloy, deep inside, parang gusto mo nang laging ma-out of vein yung IV line niya para lang for just that moment eh masaktan mo siya sa pagtusok ng karayom?

Naranasan nyo na ba ito? Ha?

Well, ako, hindi pa. hehe.

Post-prandial


Kung ikaw ay MROD, alam mo na kung paano magbasa ng Harrison's si Patrick Co. Para siyang CBG monitoring - TID premeals and at bedtime. Meron pa palang automatic snacking. Totoo ito. Pero ngayong pagkatapos niyang kumain ng 2-pc burger steak, ito ang ginagawa niya.



Medyo malabo ang video. Pero si Patrick ay nagda-download ng anime sa Veoh. Malay natin, anime pala ang sikreto para magtop sa boards at mamemorize ang Harrison's.

Sunday, April 5

Wanted: Quality Health Care


Nakakabadtrip.

Umuwi ako kahapon ng probinsya dahil birthday ni Daddy. Mag-isa lang ako sa bahay buong maghapon kaya naubos ang oras ko kakasagot ng quiz sa Facebook at manood ng ilang episodes ng 5th season ng House.

Alas-sais ng hapon noong tumawag sa cellphone si Daddy at sinabing sinugod sa ospital ang aking lola at walang kasama si lola kundi ang mga pinsan kong bata. Dali-dali akong pumunta sa ospital.

Pagdating ko sa "ER" ng ospital, nakita ko si lola na nakaupo sa wheelchair at may nakakabit nang swero. Tinanong ko kung ano ang nangyari at sa kwento ng mga pinsan ko, mukhang si lola ay may hypertensive urgency. Dumating daw siya na 200/100 ang BP. Sumusuka si lola noong nadatanan ko siya. Noong tinanong ko ang naka-duty na doctor kung ano na ang ginawa, ang sinabi niya sa akin ay binigyan niya ng Catapres 75. ANO BA?!

Nagcheck kaagad ako kung nagi-stroke na si lola. Wala namang deficits. Naghahanap ako ng gamot doon sa ER pero wala. E bakit pa tinawag na ER?! Wala ding ECG! Haaayyy. Wala daw kwarto sa ospital na yun kaya lumipat pa kami ng ibang ospital - na wala ding maayos na emergency room. Dumiretso kami sa kwarto!!! Gusto kong atakihin sa puso.

Mabilis na ang heart rate ni lola, maaaring dahil sa dehydration dahil sa dami niyang nasuka o baka naman inatake na siya sa puso at meron na siyang acute AF. Wala pa ding nangyari. Nagrequest ako na ma-ECG si lola. Nagulat pa ang doktor na nakaduty na nagpapa-ECG ako. Noong dumating ang ECG ay umabot ng isang taon bago naikabit. AF ang lola ko at complete right bundle branch block. Dahil walang gamot sa ospital na yun, pinilit kong makuha ang Metoprolol na gamot ni lola at mag-hydrate. Maya-maya ay bumagal na din ang heart rate niya. Bumaba na din ang BP niya.

Hindi ko na ikukuwento ang iba dahil nakakainis lang talaga. At the back of my mind, sobrang nalungkot ako sa nakita ko. Nagro-rotate kami sa "Charity" division ng UST hospital, kung saan luma na ang mga gamit at ang mga pasyente ay mahirap. Pero sa charity, meron pa ding gamit. Meron pa ding gamot. Hindi ko matanggap na sa probinsya na 1 oras lamang mula sa Maynila, walang gamot at walang aparato sa mga ospital.

Nakakaawa ang mga probinsyano na hindi mataas ang pinag-aralan na iisip na ganito lamang talaga ang nangyayari pag dinala ang isang kritikal na pasyente sa ospital. Nakakalungkot makita na napakababa ng kalidad ng gamutan sa mga probinsya. Hindi ko na maimagine kung paano pa sa mga lugar na walang doktor.

At hindi naglalaan ang gobyerno ng sapat na pondo para sa health care. Kawawa naman si Juan dela Cruz.

Si lola ngayon ay mas stable. Dadalin ko na lang siya sa UST.
 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008