Showing posts with label Non-medical. Show all posts
Showing posts with label Non-medical. Show all posts

Monday, July 27

Obey


Meron akong nakasalubong sa Dapitan na nakasuot ng iconic Obama HOPE design na t-shirt. Well, dahil sa bakasyon pa rin ako ang tinatamad, gumawa ako ng MROD version using a little of Photoshop and more of Illustrator.

With all due respect to Shepard Fairey.



It is very untidy and literally rough around the edges pero dahil nga sa tinatamad ako, pwede na to.

Monday, April 27

PSN Singing Duets!


Haay! Eto nga't katatapos lang ng singing duets na ginanap sa Linden Suites, ng Thomasian Nephrologists.

Naimbitahan me, si Tintin (pronounce teen-teen in high pitch voice), at si andrew.

Partner partner kami sa nephro consultants. Contest ito na walang ibang criteria kungdi audience impact. hehe.

Nauna kami ni dra andres with our version of trying hard na "The Prayer" na naging flop. hehe.

Tapos si andrew and dra chato francisco, na kumanta ng karaoke version ng "Bakit Ngayon Ka Lang".

Tapos nag-solo si Tintin ng "Ikaw". Actually, kasama niya sa stage si Dr. Ortiz pero hindi kasi namin siya marining kaya nagmistulang soloista si Tintin. Pero pinakamalakas ang kanilang audience impact.

In short, nanalo sila. hehe.

Pero yang picture na yan, wala lang. Eh kasi may photographer na nakatiwangwang dun na ayaw kaming kunan ng picture kahit medyo nagpaparamdam at nagpaparinig na kami eh. Kaya kumuha na lang kami ng sarili namin pic.

Ang prize pala (namin) : Starbucks gift certs! Weeee!

Wednesday, April 15

Sabado de Gloria


Noong Sabado, birthday ko. Hehe. Pagkatapos ng isang madugong duty nang Biyernes Santo, umuwi kami ni Em sa Bulacan para pumunta sa isang bagong resort sa Pandi kasama ang Romano Household.

Masaya ang biyahe papuntang resort. Nakasakay kami sa van namin kasam si Em. Dumaan kami sa parang walang katapusang bukid. Ngayon lang ulit ako nakakita ng mga baka, kambing at tumpok-tumpok na dayami. Nadaanan namin ang manggahan na pinag-shooting-an namin ng Florante at Laura nonog second year high school ako kaya nagkakunwetuhan na pati ang panahon na high school sina mommy at daddy.

Pagkatapos ng kalahating oras na biyahe ay nasa Amana Resort na kami. Nakakagulat ang laki ng compound. Mas malaki pa siguro siya sa UST!!! (Na may sukat na 21 hectares). Ang di ko lang maintindihan ay kung ano talaga ang theme ng resort. Pagpasok namin ay nasa ticket office si King Kong at si Darth Vader. Ang isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit tuwang-tuwa ang pamangkin kong si Cybel kay King Kong, habang ang ibang mga baby ay umiiyak pag nilalapit sa kanya. Kita ninyo, parang kinikiliti pa niya si King Kong.

Kumain kami sa ilalim ng maraming puno ng mangga at pumasok na sa pool side. Napakalaki ng wave pool. Napakakulit ng mga nagsu-swimming. Nagkalat sa paligid ng resort ang iba't ibang life-sized figures ng kung sino-sinong heroes, at villains. Pagpasok mo ay may mga Storm Troopers na nakabantay sa pasukan. Sa loob ay ang buong Justice League. Nandun din si Iron Man, Hulk, Spider Man. Sa Kiddie pool naman ay sina Gokou, Gohan, Picollo, Vegeta, Freeza, Majinbu, Cell, Master Bhuten, Klilin, Mr. Popo.

Hindi pa masyadong maganda ang lahat. Ang service ay dapat mag-improve. Marami pang ongoing construction sa loob ng resort. Sa ngayon, mas maganda pa rin sa 8 waves. Pero malaki ang chance na hahatak ito ng tourism lalo na pag natapos na siya. Basta ako, masaya ako noong birthday ko dahil nakauwi ako at nakapag-break sa hospital.

Sunday, April 12

Gastrointerologist?


Finally, na-upload na ang video ng wedding nila Arl and Rj. Pero dahil sa ang dami kong dina-download, ayaw mag-stream ng video. Hehe. Kaya in-embed ko na dito for the MRODs' general consumption.


Rj & Arl from Paul Macasaet on Vimeo.

Basahin din ang article. Nakakahiyang mag-comment sa typo e. Hehe.

Tuesday, April 7

Endorsement


Merong bago sa Firefox.


Kung naka-Internet Explorer ka pa din, lumipat ka na. (Calling on Erika!!! Yes, Pam, di ka na kasama dito, congratulations.) Napakababaw ng ipo-promote koong reason pero it just goes to show na napakadami talagang pwedeng i-customize sa firefox. Ngayon, nakita ko at in-install ang Personas for Firefox. Pwede mo nang lagyan ng skin ang Firefox browser mo! Yey!

Ngayon, ang gamit ko ay Carbon Fiber. Go Firefox!

Tuesday, March 31

Kwento


Kahapon umuwi ako para dumalo sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang sa Baliuag, Bulacan. Nakakatuwa. At nakakatawa.

Late na kasi ako nakauwi. Dumating ako sa bahay namin ng 2:30 ng hapon. 4:00 ang graduation. Umuwi ako kasi magbibigay daw ako ng speech para sa graduates. Inspirational daw. Halos isang buwan na ang nakakalipas mula noong sinabihan akong magiging speaker ako. Halos isang buwan rin akong nag-isip nang sasabihin ko. Pero nakauwi na ako kahapon, isa at kalahating oras bago ang graduation, hindi pa rin tapos ang speech ko.

Nag-type ako ng speech ko hanggang 3:30 ng hapon. Naka-6 pages ako. Wala nang ink ang printer namin. Nag-email pa ako sa malapit na pwedeng ma-printan. Noon lang ako naligo.

Dumating ako sa iskwelahan ng 4:30 ng hapon. Nakakahiya kasi ako na lang ang iniintay. Nagmartsa na ang mga magtatapos. Sa huli ng prusisyon ay ako kasama ang aking ina at ang mga school administrators. Nag-roll call na ng mga graduate. Nagulat ako dahil 21 lang ang magtatapos. Well, maliit din naman kasi ang iskwelahan.

Pagkatapos ng halos isang oras ay tinawag na ako para magsalita. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung gaano katagal ako nagsalita. Pero nakakatuwa dahil nandoon ang nanay ko at ang aking guro noong nag-aaral pa ako doon sa iskwelahan na yon 21 taon na ang nakakaraan. Um-attend si Ma'am dahil lang sa akin. Ang tanda na niya. Pero nakakatuwa dahil natatandaan pa niya ko at pati ang birthday ko! Sinabi din niya sa akin ang mga pangalan ng mga batchmate ko. Wow! Natapos ang ceremony at nagpa-picture kami ni Ma'am at ni Mommy. May kainan din pagkatapos ng lahat.

Ang nakakagulat pa lalo ay noong natapos na ang ceremony, mayroong bata na lumapit sa akin para magpa-picture. Kasama niya ang mommy niya. "Gusto po niyang maging doktor." Pinaliwanag pa ni mommy na sakitin daw talaga ang anak niya until 2 years ago. Kahit gusto kong kumuha ng history ng pasyente at mag-isip ng mga differential diagnosis, pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko nang bumalik sa Manila.

Sa dalawampu't isang nagtapos, 2 doon ang gustong maging doktor. Sabi ko sa kanila, good luck na lang. Hehehe. Maraming nagpakuha ng picture. Wehehe. Feeling celebrity. Well, kung anuman, sana ay may napulot sila sa 6 paged kong speech.

Para sa akin, masaya din ako kasi nakakatuwang mag-reminisce. Nandoon pa kasi yung original kong classroom, pati ang mga silya at mesa. Pati yung stage na tinayuan ko kahaphon, yun din ang tinayuan ko nung nag-speech ako noong nagtapos ako 21 years ago. Hay. Ang sarap mag-reminisce. Pati yung speech ko puro reminiscing lang.

Sa Batch 2009, CONGRATULATIONS!!!

Saturday, March 28

YEY!


Thanks to Ipiet for bloggerizing the BlakMagik template from Wordpress.

At dahil diyan, maganda na ulit ang layout ng blog namin! Yey!

Tuesday, March 24

Lunch Break



Yey! Magkakaroon ng second season ng isa sa favorite kong anime series - ang Full Metal Alchemist. Sa April na ang start. Kung hindi mo pa napapanood ang series, maganda kung umpisahan mo na! Panoorin mo rin ang OAV niya, ang Conqueror of Shamballa. Hindi ako kasing adik ni Erika or ni Marvin sa anime, pero gusto ko talaga itong series na to, na pinanood ko kasabay ng Death Note.

At dahil lunch break, try ko din i-tweak ang layout ng blog. Bow.

Saturday, March 21

Mabuhay ang Bagong Kasal


Pero wala akong pictures ng bagong kasal kahapon. Kailangan kong mangopya. Or abangan ko na lang kay Pat Dy saka sa 30 fps.

Pero eto ang mga MROD kahapon.

Monday, March 16

Wala na si Tinsley



Nakakaiyak.

Bukod sa kadahilanang ang Harrison's ko ang isa sa mga una kong nabilli sa aking maliit na sinusweldo, madami dami na din akong na-highlight sa Volume 2 ng aking textbook. Hindi ako sanay na nagha-highlight ng libro dahil tingin ko dumudumi ito pag may highlight, pero dahil sa kailangan kong mapili kung alin ang importante para mas madali na pag nagreview ako para sa PCP exams, napilitan akong mag-highlight.

At yun ang hindi mababayaran.

Ayoko pang mamaalam. Umaasa pa din ako na mayroon lamang namali ng pagkuha at maisasauli pa ito sa akin.

*******

Sino si Tinsley?
 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008