Thursday, May 21

Swine Flu at Hayden Kho



Nakakatawa talaga ang mga Pilipino.

Nagbabasa ako ng Manila Bulletin kanina. Headline read: "DOH Confirms First RP Swine Flu Case." Isang 10 year old female daw ang nadapuan ng kinatatakutang swine flu, at nagsilbing unang kumpirmadong kaso ng Influenza A(H1N1) dito sa Pilipinas.

Katabi ng balitang ito sa layout ng front page ng diyaryo ay ang balitang "PMA to probe Dr. Kho for unethical conduct."

Ang nakakatawa dito ay ang balita ng swine flu na dapat mas ikabahala ng mga tao ay binigyan lamang ng isang column sa pahayagan na ito samantalang ang balita tungkol sa pagpaparusa kay Hayden ay tumuloy hanggang sa page 6 column 4.

Gusto ko sanang ikumpara ang paragraph at word count ng 2 balita para maipakita talaga ang difference nila in numbers. Pero kumusta naman, wala man lang ang headline ng diyaryo sa kanilang website! At, as expected, nandun ang article tungkol kay Hayden!

Sa Swine Flu article, hindi man lang nilagay kung tiga-saan ang batang nagkasakit para magkaroon ng awareness ang mga malapit dito. Samantalang sa Hayden article, kulang na lang ay may freebie na DVD ng scandal niya sa diyaryo.

Kumusta naman.

Dahil sa masyadong na-sensationalize itong issue ni Hayden, meron na ding joke na kumakalat kasabay ng pagputok ng balitang may swine flu na sa Pilipinas:

"Meron nang swine flu sa Pilipinas. Ang unang biktima ay si... Katrina Halili! Sabi niya, 'binaboy ako!' (I was swined!)"

Nakakatawa di ba?

Mas mahalaga talaga ang chismis para sa mga Pilipino kaysa sa kalusugan. Kaya pala ganun na lang ang pagpapahalaga na ibinibigay gobyerno sa kalusugan ng mga mamamayan dahil wala ding pakialam ang mga tao dito. To think na sa major daily ito nabasa at hindi sa tabloid lang.

I have two things to say.

1. Mga Pilipino, umayos nga kayo!

2. Hayden, #!@$%%$^#!

1 comments:

Doc Broks on May 21, 2009 at 7:26 PM said...

Eh di ba Pilipino ka rin naman (kahit half-afro ka)? Eh di umayos ka din! Umayos tayong lahat! hehe

Post a Comment

 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008