Monday, June 29

Patay na si Michael Jackson


Pero ok lang.

Kahit pa totoo ngang maganda ang mga iniwan niyang musika at kanta, ok lang sa akin na wala siya. Pero yung nangyaring pagkamatay ngayon sa Emergency Room ang hindi ko kinaya.

From duty ako ngayon. Mabuti na lang at nakatulog ako ng konti kagabi kung hindi e baka nagwala na ko sa katoxican. Siguro nakakapanibago din na sa kauna-unahang pagkakataon sa stay ko TR ay hindi toxic sa emergency room nang dahil sa pagdagsa ng mga "pasyenteng" may lagnat - na kesyo mayroon silang lagnat sa loob o kanina lang pakiramdam nila nilagnat sila o kaya naman ay natakot sa lagnat na umabot sa 37 C. Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng media hype para sa A(H1N1). Sa wakas natapos na ang kabaliwan ng mga Pinoy kay Hayden Kho. Sa swine flu naman. Pero wala pa rin sa lugar.

Anyway, balik sa kwento ko tungkol sa TR. Pagod na pagod ako ngayong araw na ito dahi sa totoong emergency cases ang mga kaso sa emergency room. Mayroon akong isang pasyenteng dead-on-arrival na walang kasamang kamag-anak noong dumating. Hindi ko alam kung kanino ipaliliwanag na napakaliit ng chance ng pasyenteng mabuhay. GCS 3 na siya at wala nang brainstem functions. Makalipas ng isang oras, dumating ang anak niya - na mayroong cancer na ongoing chemotherapy. Trahedya nga naman. Napahandusay si anak nang nakita ang naka-tubo na ama. Ilang minuto pa ay nakatanggap ako ng tawag mula sa asawa ng pasyente na nasa Amerika. Kauuwi lang daw ng pasyente at luhaang nakiusap sa akin si misis na buhayin ko ang asawa niya hanggang makauwi siya bukas. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Pagkalipas ng 3 code sa pasyente, iniwan na kami ni tatay.

Pero okay lang din sa akin iyon. Sa dami ng code na nakita ko, manhid na ako sa pagkamatay ng isang pasyente kahit ano pa ang mga pangyayari sa likod ng pagkamatay niya. Yun ang akala ko.

Ilang minuto lang pagkatapos ng Code Blue ko ay may tumatakbong nurse na mula sa ibang hospital papasok ng TR. May dala dala siyang pasyente - isang 3 taong gulang na batang babae. Hindi humihinga. Wala nang buhay.

Dali dali kaming nag-code white. Hindi ko kinaya noong umiiyak na ang kanyang ina. At nang dumating ang kanyang lola na nagpapapalahaw. "Ako na lang. Ako na lang." Parang nasa teleserye. Pero mas madamdamin pa.

Naalala ko na bukod sa hindi ko kayang kontrolin ang mga bata kaya hindi ako nag-pedia, hindi ko kasi kayang makita ang mga ganitong kaso sa mga bata. Nakakaiyak noong tumulong akong mag-pump dun sa baby. Ilang minuto pa ay DNR na siya. Wala na si baby...

+++++++

Eternal rest grant unto them, Oh Lord, and let perpetual light shine upon them. May they rest in peace. Amen.

Wednesday, June 24

Manila Day Specials


Holiday today sa maynila... may bagyo kaya parang nakakatamad lumabas... opportunity na rin sana mapanood ang pinakahihintay na Transformers... pero pinili ko na lang na tumambay sa bahay at magpaka-sasa sa kama...

From-duty ako at medyo alas dos na rin nakatulog, at dahil dito medyo inaantok pa ko nang simulang mag-rounds kasama si Tin ang aking masipag na first year. Kasalukuyan kaming nag-rarounds nang tumawag si Meann sa cellphone... at habang kami'y nag-uusap nakita kong dumarating na si Dr. Ivan Villespin.

Siya pala ang sinasabing "special lecturer" ni Dr. Briones na inimbitahan niay upang magbisay sa amin nang "special lecture" upang matulungang mag plano ng buhay pakatapos nang pagiging residente. In fairness, maganda naman yung lecture niya... ipinakita niya yung isang side ng medicina na kadalasan ay hindi nabibigayn pansin: yung business side. Na ang pagiging duktor, katulad din ng kahit anong propesyon ay ginagawa upang kumita at mabuhay... inaantok man ako dahil sa puyat napanatili kong bukas and aking mga mata sa pamamagitan ng pag kain ng mani at korniks! (salamat kay Dr. Briones)

Pagkatapos nang "talk" ni Dr. Villespin, nag simula na ang Critical appraisal... ito ang unang beses namin magkaroon ng journal club... at nakakagulat dahil maraming dumating na consultants! nag-seset up na ang unang grupo (marla, pong, patrick, etc.) ngunit ayaw lumabs sa projector ang kanilang inihandang presentation... kaya ako na lang ang ipinalit (mukhang nautakan ako ah!)... maraming mga tanong at marami ring mga napagusapan... at marami rin namang naging learning... In the end, kailangang madocument ang nangyari kaya kailangan uling gumawa ng report.

Monday, May 25

Unleashed


Tama. Parang nakawala sa kural ang mga MROD.




Kumusta naman.





Kailangan talagang gumamit ng mga pictures because words can only say so much.

Thursday, May 21

Swine Flu at Hayden Kho



Nakakatawa talaga ang mga Pilipino.

Nagbabasa ako ng Manila Bulletin kanina. Headline read: "DOH Confirms First RP Swine Flu Case." Isang 10 year old female daw ang nadapuan ng kinatatakutang swine flu, at nagsilbing unang kumpirmadong kaso ng Influenza A(H1N1) dito sa Pilipinas.

Katabi ng balitang ito sa layout ng front page ng diyaryo ay ang balitang "PMA to probe Dr. Kho for unethical conduct."

Ang nakakatawa dito ay ang balita ng swine flu na dapat mas ikabahala ng mga tao ay binigyan lamang ng isang column sa pahayagan na ito samantalang ang balita tungkol sa pagpaparusa kay Hayden ay tumuloy hanggang sa page 6 column 4.

Gusto ko sanang ikumpara ang paragraph at word count ng 2 balita para maipakita talaga ang difference nila in numbers. Pero kumusta naman, wala man lang ang headline ng diyaryo sa kanilang website! At, as expected, nandun ang article tungkol kay Hayden!

Sa Swine Flu article, hindi man lang nilagay kung tiga-saan ang batang nagkasakit para magkaroon ng awareness ang mga malapit dito. Samantalang sa Hayden article, kulang na lang ay may freebie na DVD ng scandal niya sa diyaryo.

Kumusta naman.

Dahil sa masyadong na-sensationalize itong issue ni Hayden, meron na ding joke na kumakalat kasabay ng pagputok ng balitang may swine flu na sa Pilipinas:

"Meron nang swine flu sa Pilipinas. Ang unang biktima ay si... Katrina Halili! Sabi niya, 'binaboy ako!' (I was swined!)"

Nakakatawa di ba?

Mas mahalaga talaga ang chismis para sa mga Pilipino kaysa sa kalusugan. Kaya pala ganun na lang ang pagpapahalaga na ibinibigay gobyerno sa kalusugan ng mga mamamayan dahil wala ding pakialam ang mga tao dito. To think na sa major daily ito nabasa at hindi sa tabloid lang.

I have two things to say.

1. Mga Pilipino, umayos nga kayo!

2. Hayden, #!@$%%$^#!

Saturday, May 16

Reminiscing MROD Macgyver



Well.

Hindi ko alam kung anu pumasok sa isip ko, basta naalala ko lang si Macgyver.

na ang pangalan ay hindi "Menemis" kungdi Angus sabi sa wikipedia.

At ang theme song nito ay ginamit ng sarsa ni Mang Tomas sa isa nilang commercial. hehe!

Saturday, May 9

MRODs Conquer 39th Annual PCP



The UST MRODs conquered the recently concluded 39th Annual PCP Convention. Kahit na hindi namin napanood ang actual na laban ni Pacquiao nung Sunday na yun dahil sa aming oath taking, (at napanood naman namin sa iPhone dahil may libreng wi-fi sa SMX) panalo naman ang mga MROD dahil sa mga hinakot na mga awards.

Dahil na din sa kabibuhan, hindi nagpauna ang mga MROD sa mga sagala. Talaga ngang Flores de Mayo na. At siyempre, hindi papatalo ang Reyna Elena namin, kala niya Ibong Adarna siya.



Nauna na ang Oral Paper Presentation nila Meg ant Roland noong first day. Sila ang nag-uwi ng third prize. Kinabukasan naman ang Amazing RES kung saan nanalo ng First place sila Pong at Chandy. During the last day naman, nanalo si Chandy and John at Earl and Reagan sa Poster presentation. Of course, andiyan ang pagkapanalo ng 3rd place sa 15th PCP-Pfizer Medical Quiz Show nila Pam, Marvin, Pat and Ome.





Pagkatapos noon ay humataw naman sa Music 21 ang mga kulang-na-kulang-sa-gimik na mga MROD. Noteworthy ang pagsama ni Patrick sa gimik na ito. Kitang-kita niyo ang smile niya! The smile na launched a million neurons!



Hindi na lang ako magko-comment sa song choices ni Sam Sunarso - which includes: Reflection (Mulan OST) [The Mushu Version ang kinanta niya], My Favorite Things (Julie Andrews), Immortality (Celine Dion), Sukiyaki (4 PM), Yesterday Once More (The Carpenters) [na hinahanap niya under the title "Every Shalala-lala"] at iba pang ayaw ko nang maalala. Mind you, nahihiya pa siya noong una kumanta.



Julie Andros from Rommel Romano on Vimeo.


I simply remember my favorite things... at hindi kasama dun ang rendition ni Samuel.

Sabi nga nila, kung meron sigurong overall champion nung 39th Annual PCP Convention, siguro kami na yun. Tatabunan namin yung lahat ng tarp sa mint n munch ng isang higanteng tarp namin! Hahahaha!

Congratulations, MRODs!

Wednesday, April 29

Despedida


Si Apol, Andrew, Jollibee, Ma'am Jo, ako at Jeff pati si Ma'am A.

Ngayon daw ang huling araw ni Ma'am Jo sa Records Section CD. Iba na daw ang post niya effective May 1, 2009. At aalis siyang may utang akong apatnapung charts. Dahil diyan, dinala ko sa kanya si Jollibee at ang pangmeryenda.

Tinanong ko siya kung mami-miss niya ko. Hehe. Sabi niya, hindi. Huuu... kunwari ka pa Ma'am Jo, naiiyak ka pa kanina nung nagpa-picture kami. Hehe. Tears of Joy siguro.

Sana maubos ko na ang charts ko at ma-clear na ko sa Records section.
 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008