Wednesday, June 24

Manila Day Specials


Holiday today sa maynila... may bagyo kaya parang nakakatamad lumabas... opportunity na rin sana mapanood ang pinakahihintay na Transformers... pero pinili ko na lang na tumambay sa bahay at magpaka-sasa sa kama...

From-duty ako at medyo alas dos na rin nakatulog, at dahil dito medyo inaantok pa ko nang simulang mag-rounds kasama si Tin ang aking masipag na first year. Kasalukuyan kaming nag-rarounds nang tumawag si Meann sa cellphone... at habang kami'y nag-uusap nakita kong dumarating na si Dr. Ivan Villespin.

Siya pala ang sinasabing "special lecturer" ni Dr. Briones na inimbitahan niay upang magbisay sa amin nang "special lecture" upang matulungang mag plano ng buhay pakatapos nang pagiging residente. In fairness, maganda naman yung lecture niya... ipinakita niya yung isang side ng medicina na kadalasan ay hindi nabibigayn pansin: yung business side. Na ang pagiging duktor, katulad din ng kahit anong propesyon ay ginagawa upang kumita at mabuhay... inaantok man ako dahil sa puyat napanatili kong bukas and aking mga mata sa pamamagitan ng pag kain ng mani at korniks! (salamat kay Dr. Briones)

Pagkatapos nang "talk" ni Dr. Villespin, nag simula na ang Critical appraisal... ito ang unang beses namin magkaroon ng journal club... at nakakagulat dahil maraming dumating na consultants! nag-seset up na ang unang grupo (marla, pong, patrick, etc.) ngunit ayaw lumabs sa projector ang kanilang inihandang presentation... kaya ako na lang ang ipinalit (mukhang nautakan ako ah!)... maraming mga tanong at marami ring mga napagusapan... at marami rin namang naging learning... In the end, kailangang madocument ang nangyari kaya kailangan uling gumawa ng report.

1 comments:

Doc Broks on June 28, 2009 at 10:11 AM said...

e bakit parang hindi ka masaya? hehe... nung manila day, pumunta me ng tagaytay after journal club. ganun pala itsura ng tagaytay kapag bumabagyo..,. fogginess!

Post a Comment

 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008