Mahirap talaga maging isang MROD. Para maging isang MROD, kailangan mong maging hobby ang mga sumusunod:
- Magbasa.
- Magrounds (at magrounds).
- Magsulat sa chart.
- Magturo.
- Magpuyat.
- Mag-grandrounds (at mag-grandrounds ulit).
- Magintra-op.
Pero merong mga perks ang pagiging MROD. Personally, ang mga sumusunod ang masasayang bagay na nae-enjoy ko sa pagiging MROD.
- RTDs. One after the other. Salamat sa pagiging efficient ni Apol, busog na busog kaming lahat (pwera na lang si Jeff nitong mga nakaraang lingo). Dahil sa dalas nang pagpapakain sa amin ni Apol, naging totoo ang kasabihang “A well fed MROD is a better MROD.” Napatunayan ito noong nagka-flu halos lahat ng MROD noong sinimulan ang unspeakable “Biggest Loser.” Conclusion: Bawal magutom ang isang MROD.
- Freebies. Of course, kasama ng mga RTD ang mga freebies. Ang mga favorite kong freebie includes the blue payong na galing noong PCP, ang malalaking bag, ang mga mas maliit na kaunti sa malalaking bag, a thermos bottle, milyung milyong mga ballpen (literally, malaki na ang natipid ko dahil sa mga halos araw araw kong naiwawalang mga ballpen), laptop screen cleaner. Panalo!
- Veer away naman tayo sa mga med reps. Isa sa mga paborito kong ginagawa ay ang magsulat sa bagong POS. Oo yun nga. Iba ang feeling ng napuno mo na yung isang POS tapos io-open mo na yung nakafold na POS sa taas para sulatan. Aah. Ang saya. Weird na kung weird, pero sabi ko nga sa taas, dapat hobby mo ang magsulat sa POS. Kaya siguro na-enjoy ko ang TR. Kasi lahat ng sinusulatan ko doon ay bagong POS! Woohoo!
- Mag-intubate. Don’t get me wrong – ayoko nang may iniintubate, dahil sa bukod sa magiging toxic ka pagkatapos (o kaya yung CCU officer) ay halos automatic na gagawa ka na ng consult form para sa Pulmo referral pagkatapos. Pero masaya kasi yung feeling pag nakapag-intubate ka. Kung noong clerk o intern ka, masaya ka after ng isang successful insertion, lalo na yung mahirap insertan, ganun ang feeling after mag-intubate. I know my limitations, at talagang minsan kailangan ng help from our anes friends, pero as much as possible, gusto kong mag-intubate (KUNG kinanakailangan lang).
- Mag-ambulance conduction. Siguro swerte lang ako na hindi toxic ang mga ambulance conduction ko, pero masarap mag conduct! Okay lang sa akin kahit malayo ang biyahe. Okay nga lang din kung ako ang nag-conduction kay Father from Aparri! Maraming reasons bakit ko na-enjoy ito. Una, wala ka sa hospital (yon ang the best!). Pangalawa, ang saya na hindi nag-aapply sayo ang traffic rules and regulations! Pwede ka magswerve, counterflow, beat the red light, hindi magbayad sa toll gate nang hindi ka huhulihin! Pangatlo, masaya mag-travel! Kahit hindi ka nakakapag sight-seeing, masaya na din ang road trip! Pang-apat, okay kasama ang mga ambulance driver at mga NOD pag malayuan ang biyahe tapos may food allowance! Too bad, first year lang ang may schedule.
- Co-MRODs. Masaya magtrabaho kahit mahirap basta okay ang kasama mo. Napag-usapan namin ng isang dating MROD din ito. Pag-fellowship daw kasi, hindi na parang noong residency na talagang may friendship. If meron man, hindi kasing lalim noong dati. Hindi ko kayang i-verify yung statement niya kasi hindi pa ako fellow, pero I realized na totoo nga. Sama-sama sa boljak at ginhawa.
- Respect. Last na siguro ito. Kasi kapag nagpupunta kami sa mga convention na kasama ang ibang hospital, sinasabi ko “Ang hirap! Ayoko na yata! Lipat na lang ako ng ibang hospital!” Ang sinasabi nila palagi ay “wag, okay diyan. Di namin kaya diyan e, pero ikaw nandiyan ka na, tapusin mo yan.” Naala ko ang sinabi sa amin ng isang RTO noong umpisa pa lang naming noong first year kami – “you will be trained to be one of the best internists in the country.” At mukhang totoo nga. Iba ang UST MROD. Naks!
Parang nauubusan na yata ako ng mga bagay na nae-enjoy sa pagiging MROD ah. Wala na akong maisip. Ahh…
Totoo, mahirap talaga ang maging MROD. Pero naisip ko, mahirap talaga maging isang doctor, kahit ano pang field of specialty. Maraming sacrifice, pero at the end of the day, pag na-appreciate ng pasyente at ng family ng pasyente yung effort mo sa pagkatoxic mo, bawi bawi na.
Kaya sa nagbabasa nito na gusting mag-pre-res, game, sali na! Hahaha
1 comments:
masarap talaga maging MROD kung mga co-MRODs mo ay magagaling at pang model material.
ahem!
hehe.
Post a Comment