Thursday, August 27

SINO SI CHANOY?



Ang buong pangalan ko po ay Chandy Lou P. Malong. Sabi nga sa blog ni Pam, ang ibig sabihin ng Lou ay “famous warrior”. Hindi ko alam kung saan nakuha ng mga magulang ko ang pangalang Chandy. I’ve only known 2 persons na kapangalan ko. One is a doctor from India na nalaman ko habang nasa RTD kami ng bagong ET tube, and yung isa, e inagawan ako ng pangalan sa gmail! Ang special sa pangalan ko aside from being unique and rare, is the fact that since hindi nga common, madalas, nabibinyagan ako ng bagong identity:

Sa Starbucks, ang sabi ng isang barista: “Tall white choco mocha for ma’am Cheny!”
Nung grade school ako, sabi ng teacher ko during attendance: “Is Candy present?”
Lumala pa yan nung med school na. Sabi ni Dra.Monzon nung roll call: “Saan si Candy Loli?” Kulang na lang ang “-pop” para maging candy at lollipop at siguro, lalanggamin na ako.
Napagkamalan na din akong Muslim nung bagong salta ako sa Maynila nung College dahil sa last name ko (Malong). Ang tanong sakin ng katabi ko nung 1st day: “So, saang part ng Mindanao ka nakatira?” Nung mga panahong yon ay parang gusto kong lagyan ng turban yung katabi ko.
Nung minsan naman na may nagtanong kung ano middle name ko, ang sabi ko, “Patiag”. Ang follow up question nya ay, “Kaano-ano mo si Cynthia, Cynthia Patag?” Haler!
At ang newest identity ko na naging dahilan ng pag-blog ko ay “Chanoy” dahil sa isang consultant na hindi na yata naalala ang pangalan ko kahit 1 month kami magkasama.

Ako: Dr, gud PM po, magcourtesy call lang po sana ako. MROD Chandy Malong po.
Consultant: ok. Hindi ba dapat consultant ka na? (I think she is pertaining to my sister)
Ako: Ay, hindi po. Kapatid po nya ako. Nephrologist na po yun.
Consultant: A ok. What na nga 1st name mo?
Ako: Chandy po dr.
Consultant: So ilan na mga pasyente natin?
Ako: madami-dami po yatang mapapamana. but I have not seen them yet po.
Consultant: Ok. sige Chanoy magrarounds na lang ako.

At iyon na, dahil sa tuwa ay naikwento ko sa mga co-MRODs ko at nabinyagan na nga ako.

Bakit ko ba ito isinusulat? Kasi, like Marvin, I’ve been doing a lot of thinking lately. To those who know me, I have more troubles to deal with besides residency training. I’m blessed with more trials siguro, kasi, kaya ko namang dalhin. One question crossed my mind, “Who have I become?”

Bago ako naging si Chanoy, ako muna ay isinilang noong ika-14 ng Agosto (yes, katatapos lang ng birthday ko) naging isang batang makulit nung elementary na ayaw matulog sa tanghali at ayaw matulog ng maaga pag gabi. Marami din akong pinerfect na quizzes gaya ni Marvin (Models Inc. level!) at kung medalya lang ang pag-uusapan, madami din ako nun. Pero, sa lahat ng magiging ako, dalawang bagay ang pinakagusto ko. First on the list is when I became a mother and second is when I passed the Medical Board Exam and given this great task of extending the healing hands of the Lord. Kaya ayan, dumating na si Chanoy. So sino si Chanoy?
Sa mga Clerks, si Chanoy ay ang residente na kailangan, nagbasa ka bago makapag-refer kung hindi…..(kaya nga na-IR e! hehe!). Pero one thing’s for sure, they will always learn something they can apply forever! Madalas madidinig ang mga katagang, “Kung nanay or tatay or kapatid mo yan, would you want a doctor like you to handle them?”
Sa mga Intern, si Chanoy ay ang Interns’ monitor na mahilig manoxic lalo na sa mga admitting history, referrals, orientation, or audit. Well, talagang ganun! I just hope they see beyond the “panonoxic”.
Sa mga co-residents ko, hindi ko alam how they really see me. I feel na bitin talaga ang time palagi spent with them for leisure kasi ang dami work. But each time spent with laughters equals a dose of Meperidine (nakakahigh at nakakawala ng pain and pagod, kasi, nakakapagod talaga maging MROD pag hindi ka nakipag-usap. Kailangan mo ng co-MROD na mag-iinspire sayo at magpapaalala na hindi ka nag-iisa.) Chanoy will always be your co-resident, HONORED AND THANKFUL that all of you have contributed to WHO I have become today. You are my sisters and brothers and thank you for bearing with me. Sa mga seniors ko na aalis na in few months, para sa inyo talaga ito. Ito lang ang masasabi ko:

Ruby: Darating din yun. Huwag magmadali. Hehe. You will always bring joy sa kahit sinong kasama mo.
Meanne: Good luck sa life that you’re about to have (saw the ring). I believe you’ll be a great fellow! Dito ka UST ha!
Marvin: Umamin ka na. Bagay sayo ang Cardio! Actually, kaya mo kahit ano (Models Inc level!). Mag-paper ka muna! Just want to say, I appreciate what you do everyday (kahit hindi kita nakikita everday). Haha.
Jeff: OPD partner! Ipagpatuloy mo ang pagiging isang mabuting ehemplo!
Andrew: I’ll always remember you as the antagonist! the statistician, the organizer! Mamimiss kita sa caroling!
Apol: Ikaw ang bumuhay sa amin! Ikaw ang ama namin! Pinakain mo kami! Dahil dyan…. Hail Apol!
Pam: salamat sa mga reminders mo thru text. You know you’re a good leader.
Marla: You have helped me a lot in fulfilling my duties as a mother lalo na pag nakikiusap ako sa sched. I haven’t thanked you enough. Very responsible! Very tall like a Tall-nut!
Celeste: Ahhhhh, si Celeste! Thank you for the trust and the confidence in me. Pag naging nanay ka na, I’ll be around to help if you need one.
Sam: Tham-tham! Our Indonesian teddy bear! Hope you enjoyed your stay in our country.
Nawa’y maging mapayapa and matiwasay din kami next year.

Monday, August 24

Toilet Wisdom


Dati may nabasa akong article na "biochemically" inclined daw ang isang tao na kumanta habang nasa loob ng banyo. Bata pa ako noong nabasa ko yun. Parang tinawanan ko lang yata yun at hindi nagbother na maghanap ng peer-reviewed, double-blind RCTs o mga meta-analysis.

Pero siguro nga may something magical tungkol sa banyo kaya napapa-isip ka nang matatalinghagang bagay. Parang kanina. Nakalimutan ko ang pagdagundong ng dibdib ko dahil sa nalalpit kong bitay, aka endo grandrounds, noong nakapagmuni-muni ako habang naliligo.

Kamakailan lang kasi nakita ko sa Facebook ang isa kong classmate noong pre-school and early gradeschool ako. At hindi ko na siya nakita ever since. Literally, hindi ko siya nakilala noong tinitingnan ko ang profile picture niya. Kung hindi lang talaga ako familiar sa name niya (at hindi common ang name niya) hindi ko iisipin na kilala ko siya. Pero noong in-accept na niya ko at tiningnan ko ang iba niyang pictures saka lang ako na-convince na siya nga iyon.

Mayroon siyang mga wedding pictures doon sa album niya. Wow! Ang ganda talaga. Big time yung photog niya. Pagkatapos kong tingnan yung mga picture niya, napansin ko yung mga profile picture at mga pangalan ng mga ka-FB ko. Ang daming may second name na. And almost all of them, picture ng baby nila yung profile pic.


Lub dub. Lub dub.


Ang tanda ko na pala talaga.


Splash. Splash.


People around me are engaged, married and have kids.


Lub du-dup. Lub du-dup.


Nag-congestive heart failure ako noong naalala ko na 6:00 am na at grandrounds ako. Pero yun nga yung distinct about my morning and my every morning for that matter. While I am busy trying to remember the slides I will present later (or pag run down ng CVU patients sa utak ko isa-isa on any other day) other people are busy doing the "non-doctor" things.

Habang ang status ko ay "getting ready for my grandrounds" sila ay "treats her kid to this dessert," or "does not want to go to work today," or "has changed her relationship status and is now engaged." Tapos na yung period na debut ang ina-attendan. Kasalan at binyagan na ang "in" ngayon among my friends. (Sana matagal pa bago yung burol na ang new form of reunion.)

Iba nga siguro pag nag-doktor ka. Sabi nga ni Cory Aquino, pag naging presidente ka, "you must be prepared to live simply." Pero siguro pag doktor ka dahil di mo alam kung pano maging presidente, you must be prepared to leave your life as you knew it. Hindi maga-apply ang norms ng society, as if may toggle switch ang social life mo at na-switch off na siya til further orders.

Hay.

Pero siguro puyat lang ako, and maybe I am spending too much time on FB. (O, hindi ka guilty sa latter? Ha? Ha?)

Ubos na ang tubig sa timba sa CCU. This is it pancit. Grandrounds na. Rounds mamaya.

Friday, August 21

Oh no! It's like Inundated Outside!!!


3 am kanina. Nokia Tune ringing.

"Dr, good morning po, CVU. Si 2001 po mataas na yung BP 180/100!" Nagising ako dahil previously hypotensive yung patient, has been off pressors for 12 hours already. At noong oras na yon ay namamayagpag na ang BP niya. Lumabas ang totoong kulay niya. Ayan na ang reason for admission niya.

Pero ang nakagising talaga ng ulirat ko ay ang malakas na malakas na ulan na humahampas sa bintana ng CCU callroom.

Pumunta ko sa patient at nagcheck ng BP. Nag-update ng consultant at nag-order sa chart. At humiga muli.

-----------

4 am kanina. Nokia tune ringing.

"Dr, good morning po, CVU. Si 2008 po, yung post CABG natin nagche-chest pain." Sabi ko, "hindi ba naka NTG drip siya? hindi ba yan post-op site pain? ECG tayo." Nagring ulit phone ko in half a minute at ang sabi "doc, yung sugat nga po yung masakit."

Ok. So nakahiga ulit ako. Humahampas pa din si ulan. Meron na akong balita sa mga nangyayari sa labas but I had to see it for myself. Kaya noong bumangon ako eto ang bumulaga sa akin:




Kahit ang mga naka-botas ay lubog pa rin. Ang paypark na elevated na ay lubog pa rin. Amoy na amoy ang tubig kanal sa buong ospital. Naisip ko ang mga pasyente sa San Vicente. Si 1078 kaya ay buhay pa at nandon pa?

At ang nakahihindik na tanong: "PANO NA ANG MGA GAMIT KO?!!!" Nakatira kasi ako sa isang boarding house sa likod lang ng UST at nasa 1st floor ako. Que horror!!!! Naalala ko ang mga sapatos ko. Ang mga plugs!

4 hours lang ang nakalipas and how it changed everything!!! Skeleton force na daw. Pero, duh! So asan naman ang reliever ko? Wala din.

"You changed my life in a moment..." ayan, kumakanta si Marvin sa background habang nagta-type ako. How true. How true.

------------

Ang masakit dito, magra-rounds pa rin ako in a while. At pagkatapos noon, balik na naman sa paggawa ng grandrounds!!!! Que horror!!!

Sunday, August 16

Ups and Downs


Let’s face it.

Mahirap talaga maging isang MROD. Para maging isang MROD, kailangan mong maging hobby ang mga sumusunod:

  1. Magbasa.
  2. Magrounds (at magrounds).
  3. Magsulat sa chart.
  4. Magturo.
  5. Magpuyat.
  6. Mag-grandrounds (at mag-grandrounds ulit).
  7. Magintra-op.
Kailangan ding mahilig kang kumain at matulog. Kasi yun ang ginagawa ng isang MROD kapag hindi niya ginagawa ang alinman sa mga nabanggit sa taas.

Pero merong mga perks ang pagiging MROD. Personally, ang mga sumusunod ang masasayang bagay na nae-enjoy ko sa pagiging MROD.

  1. RTDs. One after the other. Salamat sa pagiging efficient ni Apol, busog na busog kaming lahat (pwera na lang si Jeff nitong mga nakaraang lingo). Dahil sa dalas nang pagpapakain sa amin ni Apol, naging totoo ang kasabihang “A well fed MROD is a better MROD.” Napatunayan ito noong nagka-flu halos lahat ng MROD noong sinimulan ang unspeakable “Biggest Loser.” Conclusion: Bawal magutom ang isang MROD.

  2. Freebies. Of course, kasama ng mga RTD ang mga freebies. Ang mga favorite kong freebie includes the blue payong na galing noong PCP, ang malalaking bag, ang mga mas maliit na kaunti sa malalaking bag, a thermos bottle, milyung milyong mga ballpen (literally, malaki na ang natipid ko dahil sa mga halos araw araw kong naiwawalang mga ballpen), laptop screen cleaner. Panalo!

  3. Veer away naman tayo sa mga med reps. Isa sa mga paborito kong ginagawa ay ang magsulat sa bagong POS. Oo yun nga. Iba ang feeling ng napuno mo na yung isang POS tapos io-open mo na yung nakafold na POS sa taas para sulatan. Aah. Ang saya. Weird na kung weird, pero sabi ko nga sa taas, dapat hobby mo ang magsulat sa POS. Kaya siguro na-enjoy ko ang TR. Kasi lahat ng sinusulatan ko doon ay bagong POS! Woohoo!

  4. Mag-intubate. Don’t get me wrong – ayoko nang may iniintubate, dahil sa bukod sa magiging toxic ka pagkatapos (o kaya yung CCU officer) ay halos automatic na gagawa ka na ng consult form para sa Pulmo referral pagkatapos. Pero masaya kasi yung feeling pag nakapag-intubate ka. Kung noong clerk o intern ka, masaya ka after ng isang successful insertion, lalo na yung mahirap insertan, ganun ang feeling after mag-intubate. I know my limitations, at talagang minsan kailangan ng help from our anes friends, pero as much as possible, gusto kong mag-intubate (KUNG kinanakailangan lang).

  5. Mag-ambulance conduction. Siguro swerte lang ako na hindi toxic ang mga ambulance conduction ko, pero masarap mag conduct! Okay lang sa akin kahit malayo ang biyahe. Okay nga lang din kung ako ang nag-conduction kay Father from Aparri! Maraming reasons bakit ko na-enjoy ito. Una, wala ka sa hospital (yon ang the best!). Pangalawa, ang saya na hindi nag-aapply sayo ang traffic rules and regulations! Pwede ka magswerve, counterflow, beat the red light, hindi magbayad sa toll gate nang hindi ka huhulihin! Pangatlo, masaya mag-travel! Kahit hindi ka nakakapag sight-seeing, masaya na din ang road trip! Pang-apat, okay kasama ang mga ambulance driver at mga NOD pag malayuan ang biyahe tapos may food allowance! Too bad, first year lang ang may schedule.

  6. Parang nauubusan na yata ako ng mga bagay na nae-enjoy sa pagiging MROD ah. Wala na akong maisip. Ahh…

  7. Co-MRODs. Masaya magtrabaho kahit mahirap basta okay ang kasama mo. Napag-usapan namin ng isang dating MROD din ito. Pag-fellowship daw kasi, hindi na parang noong residency na talagang may friendship. If meron man, hindi kasing lalim noong dati. Hindi ko kayang i-verify yung statement niya kasi hindi pa ako fellow, pero I realized na totoo nga. Sama-sama sa boljak at ginhawa.

  8. Respect. Last na siguro ito. Kasi kapag nagpupunta kami sa mga convention na kasama ang ibang hospital, sinasabi ko “Ang hirap! Ayoko na yata! Lipat na lang ako ng ibang hospital!” Ang sinasabi nila palagi ay “wag, okay diyan. Di namin kaya diyan e, pero ikaw nandiyan ka na, tapusin mo yan.” Naala ko ang sinabi sa amin ng isang RTO noong umpisa pa lang naming noong first year kami – “you will be trained to be one of the best internists in the country.” At mukhang totoo nga. Iba ang UST MROD. Naks!

Totoo, mahirap talaga ang maging MROD. Pero naisip ko, mahirap talaga maging isang doctor, kahit ano pang field of specialty. Maraming sacrifice, pero at the end of the day, pag na-appreciate ng pasyente at ng family ng pasyente yung effort mo sa pagkatoxic mo, bawi bawi na.

Kaya sa nagbabasa nito na gusting mag-pre-res, game, sali na! Hahaha
 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008