Saturday, July 11

Aheenee


Ang mga sumusunod ay hango sa KwentongDuktor.com.

"Uhm... doctor, could you, like, check up on me? I think I have aheenee virus."

(insert cricket sound here)

For a moment, talagang napatulala ako dun. Pero na-gets ko naman kaagad na ang tinutukoy ng pasyente kong konyotic ay ang AH1N1 virus na sadya namang kumakalat na sa buong Pilipinas.

20 araw na ang nakalilipas ng sabihin ni Dr. Duque na may 10-taong gulang na bata na galing US ang nag-positibo sa virus. Mula sa bansang nagmamayabang na "We're still A H1N1 free"... in a matter of ilang araw lang, isa na tayo sa top 3 sa Asia na may pinakamaraming natalang kaso ng H1N1.

Sa ngayon, kahit hindi ka nangibambansa, pwede ka na rin maging H1N1 suspect.
Kung meron kang ganitong sintomas:
• Fever - Lagnat
• Headache - Masakit ang ulo
• Fatigue - Panghihina
• Muscle or joint pains - Pananakit ng kalamnan at kasu-kasuan
• Lack of appetite - Pagkawala ng gana
• Runny nose - Sipon
• Sore throat - Sakit ng lalamunan
• Cough - Ubo
eh magpa-check up ka na at baka nga aheenee na 'yan.

Ang mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga taong may AH1N1 ay:
Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
Alabang, Muntinlupa, Metro Manila
Tel No. 809-7599

San Lazaro Hospital
Quiricada St., Sta. Cruz, Manila
Tel. No. (02) 732-3776 to 78

Lung Center of the Philippines
Quezon Avenue, Quezon CIty
Tel. No. (02) 924-6101 / 924-0707

At dahil sa ospital ako naglalagi, siempre mataas ang chance na ma-expose kami sa virus. Actually, sa ngayon, umiinom ako ng oseltamivir bilang prophylaxis na syang gamot para sa influenza, kabilang na ang H1N1. (Walang H1N1 sa ospital namin as of now). Kasama din sa gear ko ang N95 mask na kapag sinuot mo, ay parang hindi ka na rin makahinga. N95 masks lang ang katangi-tanging masks na magbibigay sa iyo ng proteksiyon laban sa H1N1. (At kung hindi masyadong kaaya-aya ang mukha mo, nakakatulong rin ito sa ikagaganda ng environment.)

Kilalang tao na nagka-H1N1 : Regine Velasquez at yung isang dorky guy sa Harry Potter movie.

So para lang siyang ordinaryong sipon. Na may potensyal na pumatay, lalo na kung mahina ang resistensya mo o kung meron kang sakit sa baga. Eh ganun naman din talaga ang ordinaryong sipon.

Gayunpaman, mas maganda kung ingatan na lang ang ating pangangatawan (Mula sa DOH):
- Cover your nose and mouth when coughing and sneezing - pero wag sa point na hindi ka na makahinga. May hangganan lang din ang lahat.

- Always wash hands with soap and water - Mas maganda yung may superior skin germ protection na ini-endorso ng PAMET

- Use alcohol- based hand sanitizers - sa ospital, ginagamit namin ay Sterilium. Na sadya rin pumapatay sa MRSA, fungus, tuberculosis, AIDS virus, Hepatitis-B, Hepatitis C, Rotavirus, Adenovirus, Papovavirus. Pero ipis hindi nya kayang patayin.

- Avoid close contact with sick people - Siempre! Sino ba may gusto nun?

- Increase your body's resistance - Kumain ng isang mansanas sa isang araw. Wala lang, para makatulong sa ekonomiya ng agrikultura ng mansanas sa bansa.

- Have at least 8 hours of sleep - Ay talo na ako dito.

- Be physically active

- Manage your stress - Ahem! Mag-pray!

- Drink plenty of fluids - tubig at fruit juices ha! Wag alcoholic.

- Eat nutritious food - Sabi ni nanay, masustansya ang malunggay.
Para sa karagdagang kaalaman: Click ka dito.

0 comments:

Post a Comment

 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008