Pero ok lang.
Kahit pa totoo ngang maganda ang mga iniwan niyang musika at kanta, ok lang sa akin na wala siya. Pero yung nangyaring pagkamatay ngayon sa Emergency Room ang hindi ko kinaya.
From duty ako ngayon. Mabuti na lang at nakatulog ako ng konti kagabi kung hindi e baka nagwala na ko sa katoxican. Siguro nakakapanibago din na sa kauna-unahang pagkakataon sa stay ko TR ay hindi toxic sa emergency room nang dahil sa pagdagsa ng mga "pasyenteng" may lagnat - na kesyo mayroon silang lagnat sa loob o kanina lang pakiramdam nila nilagnat sila o kaya naman ay natakot sa lagnat na umabot sa 37 C. Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng media hype para sa A(H1N1). Sa wakas natapos na ang kabaliwan ng mga Pinoy kay Hayden Kho. Sa swine flu naman. Pero wala pa rin sa lugar.
Anyway, balik sa kwento ko tungkol sa TR. Pagod na pagod ako ngayong araw na ito dahi sa totoong emergency cases ang mga kaso sa emergency room. Mayroon akong isang pasyenteng dead-on-arrival na walang kasamang kamag-anak noong dumating. Hindi ko alam kung kanino ipaliliwanag na napakaliit ng chance ng pasyenteng mabuhay. GCS 3 na siya at wala nang brainstem functions. Makalipas ng isang oras, dumating ang anak niya - na mayroong cancer na ongoing chemotherapy. Trahedya nga naman. Napahandusay si anak nang nakita ang naka-tubo na ama. Ilang minuto pa ay nakatanggap ako ng tawag mula sa asawa ng pasyente na nasa Amerika. Kauuwi lang daw ng pasyente at luhaang nakiusap sa akin si misis na buhayin ko ang asawa niya hanggang makauwi siya bukas. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Pagkalipas ng 3 code sa pasyente, iniwan na kami ni tatay.
Pero okay lang din sa akin iyon. Sa dami ng code na nakita ko, manhid na ako sa pagkamatay ng isang pasyente kahit ano pa ang mga pangyayari sa likod ng pagkamatay niya. Yun ang akala ko.
Ilang minuto lang pagkatapos ng Code Blue ko ay may tumatakbong nurse na mula sa ibang hospital papasok ng TR. May dala dala siyang pasyente - isang 3 taong gulang na batang babae. Hindi humihinga. Wala nang buhay.
Dali dali kaming nag-code white. Hindi ko kinaya noong umiiyak na ang kanyang ina. At nang dumating ang kanyang lola na nagpapapalahaw. "Ako na lang. Ako na lang." Parang nasa teleserye. Pero mas madamdamin pa.
Naalala ko na bukod sa hindi ko kayang kontrolin ang mga bata kaya hindi ako nag-pedia, hindi ko kasi kayang makita ang mga ganitong kaso sa mga bata. Nakakaiyak noong tumulong akong mag-pump dun sa baby. Ilang minuto pa ay DNR na siya. Wala na si baby...
+++++++
Eternal rest grant unto them, Oh Lord, and let perpetual light shine upon them. May they rest in peace. Amen.
Septris
-
http://cme.stanford.edu/septris/game/index.html
An interactive case based online activity for identifying and managing
sepsis.
12 years ago