Sunday, April 5

Wanted: Quality Health Care


Nakakabadtrip.

Umuwi ako kahapon ng probinsya dahil birthday ni Daddy. Mag-isa lang ako sa bahay buong maghapon kaya naubos ang oras ko kakasagot ng quiz sa Facebook at manood ng ilang episodes ng 5th season ng House.

Alas-sais ng hapon noong tumawag sa cellphone si Daddy at sinabing sinugod sa ospital ang aking lola at walang kasama si lola kundi ang mga pinsan kong bata. Dali-dali akong pumunta sa ospital.

Pagdating ko sa "ER" ng ospital, nakita ko si lola na nakaupo sa wheelchair at may nakakabit nang swero. Tinanong ko kung ano ang nangyari at sa kwento ng mga pinsan ko, mukhang si lola ay may hypertensive urgency. Dumating daw siya na 200/100 ang BP. Sumusuka si lola noong nadatanan ko siya. Noong tinanong ko ang naka-duty na doctor kung ano na ang ginawa, ang sinabi niya sa akin ay binigyan niya ng Catapres 75. ANO BA?!

Nagcheck kaagad ako kung nagi-stroke na si lola. Wala namang deficits. Naghahanap ako ng gamot doon sa ER pero wala. E bakit pa tinawag na ER?! Wala ding ECG! Haaayyy. Wala daw kwarto sa ospital na yun kaya lumipat pa kami ng ibang ospital - na wala ding maayos na emergency room. Dumiretso kami sa kwarto!!! Gusto kong atakihin sa puso.

Mabilis na ang heart rate ni lola, maaaring dahil sa dehydration dahil sa dami niyang nasuka o baka naman inatake na siya sa puso at meron na siyang acute AF. Wala pa ding nangyari. Nagrequest ako na ma-ECG si lola. Nagulat pa ang doktor na nakaduty na nagpapa-ECG ako. Noong dumating ang ECG ay umabot ng isang taon bago naikabit. AF ang lola ko at complete right bundle branch block. Dahil walang gamot sa ospital na yun, pinilit kong makuha ang Metoprolol na gamot ni lola at mag-hydrate. Maya-maya ay bumagal na din ang heart rate niya. Bumaba na din ang BP niya.

Hindi ko na ikukuwento ang iba dahil nakakainis lang talaga. At the back of my mind, sobrang nalungkot ako sa nakita ko. Nagro-rotate kami sa "Charity" division ng UST hospital, kung saan luma na ang mga gamit at ang mga pasyente ay mahirap. Pero sa charity, meron pa ding gamit. Meron pa ding gamot. Hindi ko matanggap na sa probinsya na 1 oras lamang mula sa Maynila, walang gamot at walang aparato sa mga ospital.

Nakakaawa ang mga probinsyano na hindi mataas ang pinag-aralan na iisip na ganito lamang talaga ang nangyayari pag dinala ang isang kritikal na pasyente sa ospital. Nakakalungkot makita na napakababa ng kalidad ng gamutan sa mga probinsya. Hindi ko na maimagine kung paano pa sa mga lugar na walang doktor.

At hindi naglalaan ang gobyerno ng sapat na pondo para sa health care. Kawawa naman si Juan dela Cruz.

Si lola ngayon ay mas stable. Dadalin ko na lang siya sa UST.

2 comments:

pam_mancio on April 6, 2009 at 7:34 PM said...

nakakaawa nga... minsan kailangan natin makita ang labas bago natin maappreciate na buti pa sa 'tin, may gamit, nakakapagshop...kasi puro na lang tayo reklamo...

Doc Broks on April 7, 2009 at 5:40 PM said...

well, why not dun ka na lang mag-work after residency ng magkaroon ng quality doctor dun. hehe

Post a Comment

 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008