Wednesday, April 29

Despedida


Si Apol, Andrew, Jollibee, Ma'am Jo, ako at Jeff pati si Ma'am A.

Ngayon daw ang huling araw ni Ma'am Jo sa Records Section CD. Iba na daw ang post niya effective May 1, 2009. At aalis siyang may utang akong apatnapung charts. Dahil diyan, dinala ko sa kanya si Jollibee at ang pangmeryenda.

Tinanong ko siya kung mami-miss niya ko. Hehe. Sabi niya, hindi. Huuu... kunwari ka pa Ma'am Jo, naiiyak ka pa kanina nung nagpa-picture kami. Hehe. Tears of Joy siguro.

Sana maubos ko na ang charts ko at ma-clear na ko sa Records section.

Tuesday, April 28

Malaking Balakid



Sa kasalukuyan, ito ang pinakamalaking balakid sa mga pangarap ko sa buhay - ang mga charts ko. Ang nasa picture ay kalahati lang ng mga chart na nasa akin ngayon. Naisipan kasi yata ni Ma'am Jo na mag-house cleaning sa Records Section at nakita niyang nagkalat ang mga chart ko. So ayan, binigay na niya sa akin. Balik tayo sa usapan, kalahati lang iyan. Ang kalahati pa ay sa isang consultant lamang.

Patay.

Abangan ang susunod na kabanata.

Monday, April 27

PSN Singing Duets!


Haay! Eto nga't katatapos lang ng singing duets na ginanap sa Linden Suites, ng Thomasian Nephrologists.

Naimbitahan me, si Tintin (pronounce teen-teen in high pitch voice), at si andrew.

Partner partner kami sa nephro consultants. Contest ito na walang ibang criteria kungdi audience impact. hehe.

Nauna kami ni dra andres with our version of trying hard na "The Prayer" na naging flop. hehe.

Tapos si andrew and dra chato francisco, na kumanta ng karaoke version ng "Bakit Ngayon Ka Lang".

Tapos nag-solo si Tintin ng "Ikaw". Actually, kasama niya sa stage si Dr. Ortiz pero hindi kasi namin siya marining kaya nagmistulang soloista si Tintin. Pero pinakamalakas ang kanilang audience impact.

In short, nanalo sila. hehe.

Pero yang picture na yan, wala lang. Eh kasi may photographer na nakatiwangwang dun na ayaw kaming kunan ng picture kahit medyo nagpaparamdam at nagpaparinig na kami eh. Kaya kumuha na lang kami ng sarili namin pic.

Ang prize pala (namin) : Starbucks gift certs! Weeee!

Saturday, April 25

Itouch, Facebook at Quiz Show


Kasalanan ng itouch kung bakit second place lang tayo. Nag enjoy si Patrick sa paglalaro sa mga ilang sandali bago magquiz show. Nagumpisa lamang na gusto niya makita kung ano ang Facebook at kung bakit pati mga consultant namin ay kasali na dito.
Nagkataon na kasama rin namin ang isa pang addict sa itouch. Tap of War ang nilalaro nila. Sa susunod na laban walang itouch.

Wednesday, April 15

Sabado de Gloria


Noong Sabado, birthday ko. Hehe. Pagkatapos ng isang madugong duty nang Biyernes Santo, umuwi kami ni Em sa Bulacan para pumunta sa isang bagong resort sa Pandi kasama ang Romano Household.

Masaya ang biyahe papuntang resort. Nakasakay kami sa van namin kasam si Em. Dumaan kami sa parang walang katapusang bukid. Ngayon lang ulit ako nakakita ng mga baka, kambing at tumpok-tumpok na dayami. Nadaanan namin ang manggahan na pinag-shooting-an namin ng Florante at Laura nonog second year high school ako kaya nagkakunwetuhan na pati ang panahon na high school sina mommy at daddy.

Pagkatapos ng kalahating oras na biyahe ay nasa Amana Resort na kami. Nakakagulat ang laki ng compound. Mas malaki pa siguro siya sa UST!!! (Na may sukat na 21 hectares). Ang di ko lang maintindihan ay kung ano talaga ang theme ng resort. Pagpasok namin ay nasa ticket office si King Kong at si Darth Vader. Ang isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit tuwang-tuwa ang pamangkin kong si Cybel kay King Kong, habang ang ibang mga baby ay umiiyak pag nilalapit sa kanya. Kita ninyo, parang kinikiliti pa niya si King Kong.

Kumain kami sa ilalim ng maraming puno ng mangga at pumasok na sa pool side. Napakalaki ng wave pool. Napakakulit ng mga nagsu-swimming. Nagkalat sa paligid ng resort ang iba't ibang life-sized figures ng kung sino-sinong heroes, at villains. Pagpasok mo ay may mga Storm Troopers na nakabantay sa pasukan. Sa loob ay ang buong Justice League. Nandun din si Iron Man, Hulk, Spider Man. Sa Kiddie pool naman ay sina Gokou, Gohan, Picollo, Vegeta, Freeza, Majinbu, Cell, Master Bhuten, Klilin, Mr. Popo.

Hindi pa masyadong maganda ang lahat. Ang service ay dapat mag-improve. Marami pang ongoing construction sa loob ng resort. Sa ngayon, mas maganda pa rin sa 8 waves. Pero malaki ang chance na hahatak ito ng tourism lalo na pag natapos na siya. Basta ako, masaya ako noong birthday ko dahil nakauwi ako at nakapag-break sa hospital.

Sunday, April 12

Gastrointerologist?


Finally, na-upload na ang video ng wedding nila Arl and Rj. Pero dahil sa ang dami kong dina-download, ayaw mag-stream ng video. Hehe. Kaya in-embed ko na dito for the MRODs' general consumption.


Rj & Arl from Paul Macasaet on Vimeo.

Basahin din ang article. Nakakahiyang mag-comment sa typo e. Hehe.

Tuesday, April 7

Endorsement


Merong bago sa Firefox.


Kung naka-Internet Explorer ka pa din, lumipat ka na. (Calling on Erika!!! Yes, Pam, di ka na kasama dito, congratulations.) Napakababaw ng ipo-promote koong reason pero it just goes to show na napakadami talagang pwedeng i-customize sa firefox. Ngayon, nakita ko at in-install ang Personas for Firefox. Pwede mo nang lagyan ng skin ang Firefox browser mo! Yey!

Ngayon, ang gamit ko ay Carbon Fiber. Go Firefox!

LEVELER


Wala nang iba pang mas mahirap na pasyente ang isang duktor kungdi ang kapwa niya duktor.

At wala na sigurong mas magiging brat pa sa attitude kungdi ang kapwa mo ring duktor, na ini-expect mo na nakakaintindi sana ng katoxican mo sa buhay... but no, kelangan sila ang atupagin kahit ang problema lang nila ay hindi nag-m-match yung kulay ng punda ng unan nila (kelangang blue kung blue din ang bed sheet!) samantalang yung mga ibang pasyente na malapit sa kanya ay naghihingalo na with matching hysterical relatives.

At alam mo ba yung feeling na ginagawa mo naman yung best mo para dun sa pasyente, kasama ng mga bossing mong consultant, pero mag-m-magaling pa rin yung pasyente mong duktor kasi sa States eh ito ang ginagawa?

Kaya tuloy, deep inside, parang gusto mo nang laging ma-out of vein yung IV line niya para lang for just that moment eh masaktan mo siya sa pagtusok ng karayom?

Naranasan nyo na ba ito? Ha?

Well, ako, hindi pa. hehe.

Post-prandial


Kung ikaw ay MROD, alam mo na kung paano magbasa ng Harrison's si Patrick Co. Para siyang CBG monitoring - TID premeals and at bedtime. Meron pa palang automatic snacking. Totoo ito. Pero ngayong pagkatapos niyang kumain ng 2-pc burger steak, ito ang ginagawa niya.



Medyo malabo ang video. Pero si Patrick ay nagda-download ng anime sa Veoh. Malay natin, anime pala ang sikreto para magtop sa boards at mamemorize ang Harrison's.

Sunday, April 5

Wanted: Quality Health Care


Nakakabadtrip.

Umuwi ako kahapon ng probinsya dahil birthday ni Daddy. Mag-isa lang ako sa bahay buong maghapon kaya naubos ang oras ko kakasagot ng quiz sa Facebook at manood ng ilang episodes ng 5th season ng House.

Alas-sais ng hapon noong tumawag sa cellphone si Daddy at sinabing sinugod sa ospital ang aking lola at walang kasama si lola kundi ang mga pinsan kong bata. Dali-dali akong pumunta sa ospital.

Pagdating ko sa "ER" ng ospital, nakita ko si lola na nakaupo sa wheelchair at may nakakabit nang swero. Tinanong ko kung ano ang nangyari at sa kwento ng mga pinsan ko, mukhang si lola ay may hypertensive urgency. Dumating daw siya na 200/100 ang BP. Sumusuka si lola noong nadatanan ko siya. Noong tinanong ko ang naka-duty na doctor kung ano na ang ginawa, ang sinabi niya sa akin ay binigyan niya ng Catapres 75. ANO BA?!

Nagcheck kaagad ako kung nagi-stroke na si lola. Wala namang deficits. Naghahanap ako ng gamot doon sa ER pero wala. E bakit pa tinawag na ER?! Wala ding ECG! Haaayyy. Wala daw kwarto sa ospital na yun kaya lumipat pa kami ng ibang ospital - na wala ding maayos na emergency room. Dumiretso kami sa kwarto!!! Gusto kong atakihin sa puso.

Mabilis na ang heart rate ni lola, maaaring dahil sa dehydration dahil sa dami niyang nasuka o baka naman inatake na siya sa puso at meron na siyang acute AF. Wala pa ding nangyari. Nagrequest ako na ma-ECG si lola. Nagulat pa ang doktor na nakaduty na nagpapa-ECG ako. Noong dumating ang ECG ay umabot ng isang taon bago naikabit. AF ang lola ko at complete right bundle branch block. Dahil walang gamot sa ospital na yun, pinilit kong makuha ang Metoprolol na gamot ni lola at mag-hydrate. Maya-maya ay bumagal na din ang heart rate niya. Bumaba na din ang BP niya.

Hindi ko na ikukuwento ang iba dahil nakakainis lang talaga. At the back of my mind, sobrang nalungkot ako sa nakita ko. Nagro-rotate kami sa "Charity" division ng UST hospital, kung saan luma na ang mga gamit at ang mga pasyente ay mahirap. Pero sa charity, meron pa ding gamit. Meron pa ding gamot. Hindi ko matanggap na sa probinsya na 1 oras lamang mula sa Maynila, walang gamot at walang aparato sa mga ospital.

Nakakaawa ang mga probinsyano na hindi mataas ang pinag-aralan na iisip na ganito lamang talaga ang nangyayari pag dinala ang isang kritikal na pasyente sa ospital. Nakakalungkot makita na napakababa ng kalidad ng gamutan sa mga probinsya. Hindi ko na maimagine kung paano pa sa mga lugar na walang doktor.

At hindi naglalaan ang gobyerno ng sapat na pondo para sa health care. Kawawa naman si Juan dela Cruz.

Si lola ngayon ay mas stable. Dadalin ko na lang siya sa UST.

Semana Santa


I've always liked the aura during holy week. Mainit pero mahangin. Saan ka man magpunta, walang tao... tahimik, peaceful... kaya masarap mag muni-muni tungkol sa mga bagay-bagay sa buhay. At masarap din matulog... lalo na kung MROD k...

Sa isang round table discussion, habang naghihintay kay Dr. JTG, na-bring up ang topic na "Anong gagwin sa holy week". Dahil sa bagong ayos ang aming conference room at bagong bili ang aming sound system, nag suggest si Apol ng misa sa palm sunday, nagkaroon ng discussion kung ano ang activities for the week at eto na ang kinalabasan ng usap-usapan:
Palm Sunday - celebrate holy mass with matching palaspas at the conference room
Holy Tuesday - film showing: Jesus Christ Superstar(suggested by sister)
by andrew llyod webber
Holy wednesday- film showing: Ben-Hur starring Charlton Heston
Maundy thursday - film showing: Jesus of Nazareth starring Robert Powell
- followed by washing of the feet courtesy of Jeff de Jesus using last resident's
night costumes and the water dispenser
Good Friday - film showing: the Passion of the Christ by Mel Gibson
- followed by pasyon courtesy of Tin; for the benefit of the overstaying
CD patients
Black Saturday - film showing: The Ten Commandments starring Charlton Heston
- Salubong Ala MROD, Dress Tin up as an angel and hang her over the
balcony habang kumakanta-kanta
Easter Sunday - Make your rounds early and be the first to look for those easter eggs
- hidden amongst the patients and their beds... don't forget rm 225...

have a nice holy week...
 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008