Kahapon, nakipag-meet ako sa mga school administrators ng pinasukan ko na pre-school may dalawampung taon na ang nakakalipas. Kinuha kasi nila akong "inspirational speaker" para sa darating na graduation cermeonies ng grade school sa march 31.
Noong natapos ako ng pre-school sa iskwelahan na yun, pre-school lang ang meron. Tinanong ko sa mga dumalaw sa akin kahapon kung nasaan na ang mga dati kong guro. Si Ma'am Amy daw ay nasa States na. Si Ma'am Luisa daw ay, well, "matandang-matanda na" at aktibo pa din daw sa simbahan.
Nakakatuwa na mayroong nakaisip na gawin akong inspirational speaker. Di ko kahit kailan inakala na magbibigay ako ng inspirational speech sa buhay ko. Sana nga may maibigay akong inspirasyon sa mga bata na magtatapos.
Hindi ko na lang sasabihin ang physical at emotional stress na diandaanan ng bawa't MROD sa araw araw. Kasi hindi nakakainspire yun. Hehe.
0 comments:
Post a Comment