Kahapon umuwi ako para dumalo sa pagtatapos ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang sa Baliuag, Bulacan. Nakakatuwa. At nakakatawa.
Late na kasi ako nakauwi. Dumating ako sa bahay namin ng 2:30 ng hapon. 4:00 ang graduation. Umuwi ako kasi magbibigay daw ako ng speech para sa graduates. Inspirational daw. Halos isang buwan na ang nakakalipas mula noong sinabihan akong magiging speaker ako. Halos isang buwan rin akong nag-isip nang sasabihin ko. Pero nakauwi na ako kahapon, isa at kalahating oras bago ang graduation, hindi pa rin tapos ang speech ko.
Nag-type ako ng speech ko hanggang 3:30 ng hapon. Naka-6 pages ako. Wala nang ink ang printer namin. Nag-email pa ako sa malapit na pwedeng ma-printan. Noon lang ako naligo.
Dumating ako sa iskwelahan ng 4:30 ng hapon. Nakakahiya kasi ako na lang ang iniintay. Nagmartsa na ang mga magtatapos. Sa huli ng prusisyon ay ako kasama ang aking ina at ang mga school administrators. Nag-roll call na ng mga graduate. Nagulat ako dahil 21 lang ang magtatapos. Well, maliit din naman kasi ang iskwelahan.
Pagkatapos ng halos isang oras ay tinawag na ako para magsalita. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung gaano katagal ako nagsalita. Pero nakakatuwa dahil nandoon ang nanay ko at ang aking guro noong nag-aaral pa ako doon sa iskwelahan na yon 21 taon na ang nakakaraan. Um-attend si Ma'am dahil lang sa akin. Ang tanda na niya. Pero nakakatuwa dahil natatandaan pa niya ko at pati ang birthday ko! Sinabi din niya sa akin ang mga pangalan ng mga batchmate ko. Wow! Natapos ang ceremony at nagpa-picture kami ni Ma'am at ni Mommy. May kainan din pagkatapos ng lahat.
Ang nakakagulat pa lalo ay noong natapos na ang ceremony, mayroong bata na lumapit sa akin para magpa-picture. Kasama niya ang mommy niya. "Gusto po niyang maging doktor." Pinaliwanag pa ni mommy na sakitin daw talaga ang anak niya until 2 years ago. Kahit gusto kong kumuha ng history ng pasyente at mag-isip ng mga differential diagnosis, pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto ko nang bumalik sa Manila.
Sa dalawampu't isang nagtapos, 2 doon ang gustong maging doktor. Sabi ko sa kanila, good luck na lang. Hehehe. Maraming nagpakuha ng picture. Wehehe. Feeling celebrity. Well, kung anuman, sana ay may napulot sila sa 6 paged kong speech.
Para sa akin, masaya din ako kasi nakakatuwang mag-reminisce. Nandoon pa kasi yung original kong classroom, pati ang mga silya at mesa. Pati yung stage na tinayuan ko kahaphon, yun din ang tinayuan ko nung nag-speech ako noong nagtapos ako 21 years ago. Hay. Ang sarap mag-reminisce. Pati yung speech ko puro reminiscing lang.
Sa Batch 2009, CONGRATULATIONS!!!
Septris
-
http://cme.stanford.edu/septris/game/index.html
An interactive case based online activity for identifying and managing
sepsis.
12 years ago