Monday, May 25

Unleashed


Tama. Parang nakawala sa kural ang mga MROD.




Kumusta naman.





Kailangan talagang gumamit ng mga pictures because words can only say so much.

Thursday, May 21

Swine Flu at Hayden Kho



Nakakatawa talaga ang mga Pilipino.

Nagbabasa ako ng Manila Bulletin kanina. Headline read: "DOH Confirms First RP Swine Flu Case." Isang 10 year old female daw ang nadapuan ng kinatatakutang swine flu, at nagsilbing unang kumpirmadong kaso ng Influenza A(H1N1) dito sa Pilipinas.

Katabi ng balitang ito sa layout ng front page ng diyaryo ay ang balitang "PMA to probe Dr. Kho for unethical conduct."

Ang nakakatawa dito ay ang balita ng swine flu na dapat mas ikabahala ng mga tao ay binigyan lamang ng isang column sa pahayagan na ito samantalang ang balita tungkol sa pagpaparusa kay Hayden ay tumuloy hanggang sa page 6 column 4.

Gusto ko sanang ikumpara ang paragraph at word count ng 2 balita para maipakita talaga ang difference nila in numbers. Pero kumusta naman, wala man lang ang headline ng diyaryo sa kanilang website! At, as expected, nandun ang article tungkol kay Hayden!

Sa Swine Flu article, hindi man lang nilagay kung tiga-saan ang batang nagkasakit para magkaroon ng awareness ang mga malapit dito. Samantalang sa Hayden article, kulang na lang ay may freebie na DVD ng scandal niya sa diyaryo.

Kumusta naman.

Dahil sa masyadong na-sensationalize itong issue ni Hayden, meron na ding joke na kumakalat kasabay ng pagputok ng balitang may swine flu na sa Pilipinas:

"Meron nang swine flu sa Pilipinas. Ang unang biktima ay si... Katrina Halili! Sabi niya, 'binaboy ako!' (I was swined!)"

Nakakatawa di ba?

Mas mahalaga talaga ang chismis para sa mga Pilipino kaysa sa kalusugan. Kaya pala ganun na lang ang pagpapahalaga na ibinibigay gobyerno sa kalusugan ng mga mamamayan dahil wala ding pakialam ang mga tao dito. To think na sa major daily ito nabasa at hindi sa tabloid lang.

I have two things to say.

1. Mga Pilipino, umayos nga kayo!

2. Hayden, #!@$%%$^#!

Saturday, May 16

Reminiscing MROD Macgyver



Well.

Hindi ko alam kung anu pumasok sa isip ko, basta naalala ko lang si Macgyver.

na ang pangalan ay hindi "Menemis" kungdi Angus sabi sa wikipedia.

At ang theme song nito ay ginamit ng sarsa ni Mang Tomas sa isa nilang commercial. hehe!

Saturday, May 9

MRODs Conquer 39th Annual PCP



The UST MRODs conquered the recently concluded 39th Annual PCP Convention. Kahit na hindi namin napanood ang actual na laban ni Pacquiao nung Sunday na yun dahil sa aming oath taking, (at napanood naman namin sa iPhone dahil may libreng wi-fi sa SMX) panalo naman ang mga MROD dahil sa mga hinakot na mga awards.

Dahil na din sa kabibuhan, hindi nagpauna ang mga MROD sa mga sagala. Talaga ngang Flores de Mayo na. At siyempre, hindi papatalo ang Reyna Elena namin, kala niya Ibong Adarna siya.



Nauna na ang Oral Paper Presentation nila Meg ant Roland noong first day. Sila ang nag-uwi ng third prize. Kinabukasan naman ang Amazing RES kung saan nanalo ng First place sila Pong at Chandy. During the last day naman, nanalo si Chandy and John at Earl and Reagan sa Poster presentation. Of course, andiyan ang pagkapanalo ng 3rd place sa 15th PCP-Pfizer Medical Quiz Show nila Pam, Marvin, Pat and Ome.





Pagkatapos noon ay humataw naman sa Music 21 ang mga kulang-na-kulang-sa-gimik na mga MROD. Noteworthy ang pagsama ni Patrick sa gimik na ito. Kitang-kita niyo ang smile niya! The smile na launched a million neurons!



Hindi na lang ako magko-comment sa song choices ni Sam Sunarso - which includes: Reflection (Mulan OST) [The Mushu Version ang kinanta niya], My Favorite Things (Julie Andrews), Immortality (Celine Dion), Sukiyaki (4 PM), Yesterday Once More (The Carpenters) [na hinahanap niya under the title "Every Shalala-lala"] at iba pang ayaw ko nang maalala. Mind you, nahihiya pa siya noong una kumanta.



Julie Andros from Rommel Romano on Vimeo.


I simply remember my favorite things... at hindi kasama dun ang rendition ni Samuel.

Sabi nga nila, kung meron sigurong overall champion nung 39th Annual PCP Convention, siguro kami na yun. Tatabunan namin yung lahat ng tarp sa mint n munch ng isang higanteng tarp namin! Hahahaha!

Congratulations, MRODs!
 

Ang Blog ng MROD Blak Magik is Designed by productive dreams for smashing magazine Bloggerized by Ipiet © 2008